When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Lumuluha ang mga matang gulat na gulat na napatingin sa lalaking nakatayo sa labas ng kanyang pinto, si Philipp. Hindi niya inaasahang ang lalaking pupuntahan sana at laman ng isip ay nasa harapan na niya at tulad niya ay gulat rin ito. Mabilis niyang pinahid ang kanyang mga luha ngunit kita na niyang nakamasid sa kanya ito. "Ayos ka lang ba?" dinig na tanong nito habang abala siyang nagpupunas ng luha niya. Mabilis siyang tumango-tango. "O-Oo," nahihiyang tugon niya kay Philipp sabay tingin sa guwapong mukha nito. "Bakit ka umiiyak?" sunod na tanong nito. Napalunok si Lorraine sa pang-uusisa nito, ilang sandaling nagkahinang ang kanilang mga mata hanggang sa mapayuko siya nang hindi matagalan ang mga nang-uusisang titig ni Philipp. "N-Naalala ko kasi si daddy," nauutal na turan niy