When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Matapos siyang manggaling sa opisina ni Menardo ay minabuti ni Philipp na magpahinga na muna sa kanilang barracks, mabuti na lamang at walang tao roon kaya agad siyang nahiga sa kanyang kama. Hindi niya maiwasang isipin ang mga nangyari sa meeting nila kay Mr. Melendrez, kung paano nito tahasang sabihin kay Lorraine ang pagkagusto rito. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang marinig ang mga tinig na papasok sa kinaroroonan niya. Hindi tuloy siya nakaligtas sa paningin ng mga ito. "Oy, nandito naman pala si Francisco, ano'ng balita sa lakad niyo?" usisa ni Nuñez sa kanya. "Ano pa nga ba kundi tuloy na tuloy na ang pagpasok natin sa grupo ni Black Oregon," sagot dito na noon ay umupo na siya. "Balita namin ay tahasan daw ang pagpapakita ng motibo itong si Black Oregon kay Black Princess," ma