When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Bago pa man siya mapansin ni Philipp ay mabilis na siyang tumalilis patungo sa kanyang pupuntahan. Mabigat ang loob sa narinig na mariing pagtutol ng kasintahan nito sa pakikipagkalas ni Philipp. Ilang hakbang na lamang ay mararating na lamang niya ang palikuran kung saan talaga siya tutungo bago pa man napansin sina Philipp at Mikaella. "Lorraine," tawag sa pangalan niya sa kanyang likuran. Agad siyang natulos at kahit hindi siya lumingon ay alam na niyang si Philipp ang tumatawag sa kanya base sa boses nito. "Lorraine," muli nitong wika nang nakalapit na ito sa kanya. "Balikan mo na siya," mahina niyang turan. Hindi alam kung bakit 'yon ang agad na banulas sa kanyang labi. Hinarap siya ni Philipp at nalilito ang mga matang nagyuko siya ng mukha dahil ayaw niyang makita nitong na