When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Hawak-hawak ni Philipp ang kanyang cell phone, nagtatalo ang puso't isipan kung tatawagan ba pabalik si Lorraine lalo na at ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito natawag muli. Naghintay pa rin siya na baka sakali ay muli itong tumawag pero hindi na muling tumunog pa ang kanyang cell phone. Inilapag ulit ang cell phone sa kama at binalikan ang closet na noon ay bukas pa. Mabilis na hinugot mula roon ang isang boxer short at puting sando saka 'yon isinuot. Hindi pa rin mawala ang atensyon niya sa kanyang cell phone, umaasa na muling tumawag si Lorraine. Ngunit lumipas na ang tatlumpong minuto ay wala pa ring Lorraine na natawag kaya ipinasya na niyang matulog lalo pa at ngayon lang siya magbabawi ng puyat sa mga nagdaang araw. Pagkapikit na pagkapikit ng mga mata ay nakatulog na