KARINA
"Good morning my love." Yumuko siya at hinalikan ako sa labi. Ito ang paraan ng pagbati niya sa akin tuwing umaga kapag nasa trabaho.
"Good morning, na-late ka ata ng pasok?"
"Yes, inalagaan ko pa kasi yung anak ko. Umalis si Catalina at may pinuntahan." sagot niya sabay ngiti sa akin. May gumuhit na sakit sa aking puso. Hindi dahil sa meron kaming relasyon. Iniisip ko kasi kung si Katherine pa rin ang nasa kalagayan ko ngayon. Dadanasin niya ito ang mamalimos ng oras at pagmamahal sa isang lalaking minsan na rin siyang tinalikuran.
"Sabayan mo akong mag-breakfast kapag dumating yung inorder ko okay?"
I fake my smile and nodded. Maya-maya pa ay dumating na din ang pinadilever niya. Tumayo ako at kumatok sa kanyang pinto saka ko binuksan. Naabutan ko siyang may kausap sa phone at magkadugtong ang kilay.
"What? Nasa Ilocos si Catalina?" rinig kong sabi niya sa kabilang linya. Nasapo niya ang kanyang noo at pabagsak na ibinaba ang phone niya.
"What happen?"
Umiling siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Hinala niya ako at pinaupo sa kandungan niya.
"Nag out of town si Catalina kasama ang mga colleague niya at iniwan ang anak namin sa yaya nito. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Basta na lamang siya umaalis at hindi nagsasabi sa akin. Kahit ang mga tao sa bahay ay walang alam sa pag-alis niya."
Napabuntong hininga siya at isiniksik sa pagitan ng aking leeg ang kanyang mukha.
"Simula nang magbalikan tayo ay iniwasan ko na siyang makatabi sa kama. Kahit noong nasa states pa kami palagi na kaming nag-aaway. Hindi ko siya mahal Katherine. Ikaw ang mahal ko kaya yung isang beses na may mangyari sa amin hindi ko na siya ginalaw pa. Nangako ako sayo noon hindi ba? Kapag bumalik ako ay aayusin ko ang lahat. At sinabi ko na rin sa kanya na hindi ko siya kayang mahalin."
Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ko ang kanyang mga mata.
"Ikaw ang mahal ko Katherine. Ikaw lang pangako." sambit niya. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at hinalikan niya ako sa labi. Kahit dampi lang yun nararamdaman ko ang epekto nito sa akin.
Nagkamali lang pa ako sa panghuhusga sa kanya? Pero paano yung tex message niya sa kapatid ko? Hindi lang yun, paano yung narinig kong ungulan nila nang minsan siyang tumawag sa phone ng kapatid ko? Alin ba talaga ang totoo Sergio?
Tinulak ko siya kaya naghiwalay ang labi naming dalawa at mabilis akong tumayo sa kandungan niya. Inayos ko ang damit ko.
"Pasensya na marami pa akong gagawin." Iwas ko sa kanya ngunit nakakailang hakbang palamang ako ay napigilan na niya ako.
"Bakit ka ganyan? Minsan parang malamig ang pakikitungo mo sa akin. Minsan parang hindi ikaw ang kaharap ko. Parang may kulang Katherine. Hindi ko makita sa mga mata mo yung dati kong nakikita kapag kasama kita." sambit niya. Napilitan akong humarap sa kanya at hinawakan ko ang pisngi niya.
"Walang nagbago Sergio, mahal na mahal pa rin kita. Siguro marami lang nangyari saka nagpakasal ka parin sa iba at nagkaroon pa kayo ng anak. Pero wala na akong magagawa doon. Kailangan kong tangapin na may kahati ako sa'yo."
Hinalikan ko siya sa labi nang sa ganun ay mawala ang pagdududa niya sa akin. Pumaikot naman ang kanyang braso sa kamay ko at tinugon ang aking halik.
"I'm sorry...I know na nasaktan kita. Pero hindi na yun mauulit Katherine." sambit niya na ikinatango ko. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay sinabayan ko na rin siyang mag-almusal.
Pagkatapos ay bumalik na ako sa trabaho ko. May naka-schedule siyang meeting today kaya paniguradong magiging busy kami maghapon.
Sabay kaming nag-lunch sa office niya at nagkuwentuhan.
"Sa monday na uumpisahan ang construction ng dream house natin. Are you excited?"
Nakangiti akong tumango sa kanya. "Magiging hands on ka ba?"
"No, i trust my friend kaya hindi na kailangan. Binigay ko na sa kanya yung design na gusto ko. Baka three months lang tapos na yun."
Mukhang planado na talaga niya ang lahat. At nakikita kong excited siya sa mga nangyayari.
"Sergio kapag ikinasal na tayo paano ang anak mo kay Catalina?"
Uminom siya ng tubig at tumingin sa akin.
"Hindi ko puwedeng talikuran ang anak namin. Gagawin ko pa rin ang obligasyon ko. Wala naman siyang kasalanan sa nangyari at mahal na mahal ko din siya pero hindi ko rin siya puwedeng ilayo kay Catalina dahil siya pa rin ang Ina nito. Ngunit kung ganito palagi ang gagawin niya mas mabuti pang kunin ko sa kaniya ang custody ng bata sa legal na paraan." paliwanag niya sa akin.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na ako sa trabaho. Bumaba ako sa second floor upang ayusin ang ibang papeles na inaasikaso ni Marla. Baka kasi abala siya kaya hindi ko na siya tinawagan at ako na ang nagkusang kunin sa kanya ang mga papers. Nagulat pa siya nang makita ako.
"May kailangan ka ba?"
Tumango ako sa kanya. "Natapos mo na ba yung report na kailangan ni Sir Sergio mamaya?"
Kinuha niya ang folder sa ibabaw ng mesa. "Yes, ito na yung papers. Pasensya ka na hindi ko agad nadala dami ko kasing ginagawa."
"Okay lang yun, para ma-exercise naman yung mga binti ko."
Nakangiting kinuha ko ang folder at nagpaalam na rin ako sa kanya. Pagbalik ko sa elevator ay nagulat ako nang may sumalubong sa akin.
"Ay sorry---Katherine?" gulat na tanong niya nang sabay naming pinulot ang folder na nabitawan ko.
Hindiindi ko siya kilala at ngayon ko lamang siya nakita.
"Salamat." wika ko at mabilis na kinuha ang folder sa kamay niya. Nagmadali akong pumasok sa elevator ngunit sumunod din siya sa akin.
"Kumusta ka na? Dito ka pala ulit nagtatrabaho." nakangiting sabi niya sa akin na parang naging close kaming dalawa. Kinakabahan ako dahil iisang floor lang ang tinutumbok namin.
"Ah, kasi...oo bumalik na ako...nagbakasyon lang." pagdadahilan ko pero sa loob ko sana hindi niya ako mabisto.
"Ahhh, lalo kang gumanda-"
Bumukas ang elevator ay bumungad sa amin ang seryosong mukha ni Sergio.
"Kanina pa kita---"
Naputol ang sasabihin niya nang tignan niya ang lalaking nasa likuran ko.
"Hugo? Kailan ka pa dumating?" Bulalas niya sa lalaki.
"Kanina lang, kumusta ka na?"
Nagyakap silang dalawa sa tingin ko magkaibigan sila kaya kilala niya ako. Iniwan ko na sila at nagtungo na ako sa table ko.
"Dito pala siya ulit nagtatratrabaho? Alam ba ito ni Catalina?" narinig kong mahinang sabi ng lalaking tinawag niyang Hugo.
"No, at wala akong plano na ipaalam sa kanya. Kaya huwag mong sasabihin okay?" sagot naman ni Sergio. Hindi maganda ang tingin ko sa lalaking yun. Iniiwas ko lang ang tingin ko sa kanya dahil nakita kong pinapasadahan niya ako ng tingin sa loob ng elevator kanina.
Sabay silang pumasok sa loob ng opisina. Tinawag ako ni Sergio. Akala ko magpapakuha lamang siya ng kape pero pinaupo niya ako sa tabi niya.
"Bro, kapag naayos na yung annulment namin ni Catalina. We're planning to get married at ikaw ang bestman namin okay?" masayang sabi ni Sergio ngunit kabalikataran ito ng mukha ni Hugo.
"Really? Pumayag si Catalina na maghiwalay na kayo?" hindi makapaniwalang sabi nito.
"Hindi, pero ako na ang bahala doon. Ang mahalaga sa akin kami na ulit ni Katherine at napatawad na niya ako."
Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa kanyang labi. Ngumiti ako kay Sergio ngunit nang mapatingin ako kay Hugo malinaw sa akin na hindi siya natutuwa sa sinabi ni Sergio.
Pinipilit lang niyang ngumiti kapag magkaharap sila ni Sergio.
Nagpaalam ako sa kanila at bumalik na ako sa table ko. Halos kalahating oras din silang nag-usap na magkaibigan. Bumukas ang pinto at lumabas si Hugo.
Kinawayan pa niya si Sergio bago niya isara ang pinto. Sinubukan kong iwasan ang tingin niya ngunit lumapit talaga siya sa table ko.
"Magpapakasal ka sa kanya? Alam ba niya ang naging relasyon nating dalawa?" bulong niya na parang may bumuhos sa akin na isang timba ng yelo. Natigil ako sa pagtipa ng keyboard at sinalubong ang mga mata niya.
"Anong sinasabi mo?" Napailing siya at nakangising tinignan ako.
"Nakalimutan mo na bang nagawa kitang paungulin sa kama ko? At nagpapangap ka ngayon na parang hindi mo ko kilala?"
Mariin ko siyang tinignan. Ngunit hindi ko makita sa kanya ang pagsisinungaling. Nagkaroon sila ng relasyon ni Katherine? Pero walang nabangit si Marla tungkol sa kanya.
"Naalala mo na? Hindi mo puwedeng kalimutan yun Katherine. Magkikita pa tayong muli."
Iniwas ko ang aking mukha sa tangka niyang paghawak sa akin. Binawi niya ang kamay niya at naglakad na rin siya palayo.
Nakahinga ako ang maluwag nang tuluyan siyang umalis. Noong una si Catalina ngayon sino naman itong si Hugo sa buhay ng kakambal ko? Paano nangyaring nagkaroon sila ng relasyon?