Chapter 31: Father Figure

1142 Words

Jenny KANINA ko pa pinapanood ang dalawa na nag-uusap. Hindi ko alam na ganito pala kalapit ang loob ni Sky sa mga bata o baka naman kay Renren lang talaga siya ganito.. Para silang totoong mag-ama sa totoo lang lalo pa't magkahawig sila. Hindi ko alam, pwede naman silang maging mukhang magkapatid, pero tingin ko talaga sa kanila ay mag-ama. "Daddy, gusto ko nang mag-school," biglang sabi ng bata, lumihis sa pinag-uusapan nila kaninang tungkol sa mga laruang nakita nito sa mall. "School? Hindi pa pwede, Baby," sabi ni Sky at ipinatong ang ulo niya sa dalawang braso. Nakahiga siya sa mahabang sofa habang nakaupo naman si Renren sa tiyan niya at kumakain ng chips. Ako naman ay narito sa pang-isahang sofa at tahimik na nanonood sa kanilang dalawa. "Pero, Daddy, I want to study na. Para

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD