Zkat NANG makatulog na ang kapatid ko ay dahan-dahan ko siyang inihiga sa kaniyang kama. She is sleeping peacefully pero hindi maitatangging galing siya sa mahaba-habang pag-iyak. Dalaga na nga ang kapatid ko, nagmamahal na. Paano ko nga ba siya protektahan sa ganitong sakit? Kahit sino ay walang makakapigil sa pag-ibig. Maski ako ay hindi ko kayang pigilan ang sarili kong magmahal. Wala akong masising iba. Siguro nga dahil sa kagagawan ko noon kaya niya dinaranas ang nangyari sa kaniya ngayon. Siya ang nakarma dahil sa panloloko ko sa ilang babaeng nagkagusto sa 'kin. Totoo pala talaga 'yon 'no? Hinaplos ko ng bahagya ang pisngi ng kapatid ko. Hindi ko alam kung gaano kasakit ang nararamdaman niya pero alam kong hindi niya kaya dahil umiyak siya. Kilala ko ang kapatid ko. She is tou