Pagkatapos namin manood nagasikaso na kami ng sarili namin. Aalis kami ngayun napagkasunduan namin na pumunta ng baclaran kasi linggo ngayun wala naman akong gagawin. Kaya sasama ako ngayun sa kanila kasi hindi naman ako susunduin ngayun ni Gabriel. Dahil busy siya ngayun kaya hindi kami magkikita. Kaya bonding namin ngayun nila ninang. Pagkatapos naming magsimba namili na rin kami. Ako bumili ng mga pang decorations sa bahay kasi malapit na ang pasko kaya balak kong magayos ng bahay, para pag naisipang pumunta ni Gabriel hindi naman nakakahiya ang bahay. Nasa inasal na kami ng tingnan ko ang cp ko. Nagulat ako may 20 miss call ako kay Gabriel. Tatawagan ko na lang siya ng biglang mag ring ang cp ko. Ng tingnan ko tumatawag na siya tumingin sa akin si ninang Betty. "Ninang sagutin ko l