Habang kumakanta siya nakatigtig siya sa akin. Yumuko ako para hindi niya makita ang pamumula ko. Ramdam ko ang bawat bigkas niya sa lyrics. Nagpalakpakan ang mga nakikinig. Ng matapos sila. Nagpasalamat sila saka binigay sa akin ang mic. Saka lang ako nakahinga ng mawala na sila. Akala ko nagsipaguwian na sila. Dahil Hindi na sila nagsibalik sa upuan nila. Nagulat ako ng salubungin niya ako paglabas ko sa likod. "Hello po Tita magandang gabi. Sinusundo ko lang po si Jhanina." Sabi niya kayla Ninang. Kasama niya si Marco. Napatingin sa akin sila ninang. ngumiti na lang ako kayla Ninang para hindi sila magalala. "Ganun ba? Kung ganun ingatan mo na lang ang anak namin ha Gabriel." Sabi ni Mamita. Yumuko naman ito. Saka kinuha ang bag ko. Kumaway na lang ako kayla Ninang. Pinagbuksan