SOMEONE'S POV Naglalakad ako sa mga oras na ito at kanina pa may tumatawag sa aking pangalan ngunit hindi ko makita kung sino ito. Matagal kong hinanap ang tumatawag sa akin at maya-maya ay nagpakita din s’ya. Gaya ng dati ay ganun parin ang hitsura n’ya. Isang napakasamang nilalang na gaya ko. Nakasuot siya ng kulay itim na damit na kakulay ng kanyang maiitim na pakpak. Maitim ang kanyang labi at mapupula ang kanyang mga mata. Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. “Kumusta ka na?” Nakakatakot ang boses nito. “Mabuti.” Maikling sagot ko dahil ayokong makipag-usap sa kanya. Tiyak ko na magiiwan lamang ito ng babala sa akin. "Makinig ka dahil malapit na ang nakatakdang oras. Magbantay ka dito at hanapin mo ang nawawalang susi. Hindi s’ya pwedeng makabalik sa mun