ANGEL 15: READING MINDS

1557 Words

“Sumunod ka na sa kusina kapag maayos na ang iyong pakiramdam.” Bilin sa akin ni Lola Ima at agad ako nitong iniwan sa aking silid. Tila may pakiramdam ako na may kailangan s’yang sabihin sa akin tungkol sa kasalukuyan na nangyayari.  Nahihilo pa ako dala ng aking pagkalula sa pagkakalutang sa ere kanina. Napailing pa ako nang muling maalala ang nangyari kanina. Napakaimposible ng bagay na iyon kaya labis akong nagtataka at naguguluhan sa mga nangyayari.  Bagama’t masama pa ang aking pakiramdam ay hindi ako nagpatinag at agad sumunod kay Lola Ima sa kusina. Nakakaramdam na din ako ng gutom pero mas nangingibabaw pa din ang pagnanais kong malaman kung ano ang bagay na tila inililihim sa akin ni Lola Ima.  Naabutan ko s’yang nakaupo lamang sa aming hapagkainan at nakatulala din sa kawalan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD