ANGEL 20: MEETING HER

1269 Words

Isang madilim at tahimik na lugar ang aking kinaroroonan ngayon. Kabaligtaran ito sa unang lugar na napuntahan ko sa aking panaginip. Sa sobrang dilim ay wala akong makita sa buong paligid.  Nakakapagtaka na wala akong maramdaman na takot ngayon kahit madilim ang lugar. May pakiramdam ako na may naghihintay sa akin dito. Humakbang ako upang maglakad. Bahala na kung saan ako dalhin ng aking mga paa.   Maya-maya ay biglang lumiwanag sa lugar na malapit sa kinatatayuan ko. Ang madilim na paligid ay unti-unting nagkaroon ng kulay. Nagpalinga-linga ako upang pagmasdan ang buong lugar. Muli ay naramdaman ko ang malakas na hangin gawa sa pagaspas ng pakpak. Kasalukuyang bumababa ang isang magandang babae na una kong nakita sa aking panaginip. Napakasarap parin pagmasdan ang kanyang mukha gaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD