Czenisa's p.o.v.
Nang makapasok na sila sa loob ng bahay ay agad niyang nakita ang kanyang lolo at lola na nakaupo sa kanilang kawayang sofa, umiiyak ang kanyang lola ganun din ang kanyang ina habang seryoso st tahimik lang kanilang lolo wala ang kanilang tatay marahil ay bumiyahe na ito ng traysikel nito." Ces totoo ba ang dinasabi ni nanay? Tanong niya sa kapatid." Oo ate totoo yon galing ako sa motel at kasama ko si Patrick! Sagot ng kapatid na pa angil sa kanya , tuloy ay naginit ang tainga niya at umangat ang isa niyang kilay. " At talagang proud ka pa sa ginawa mo ha? Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Diyos ko naman Cecille pinag aaral kita tapos pakikipag boyfriend lang pala ang inaatupag mo! Galit na rin na saad niya sa kapatid. Bakit ate sinabi ko ba sayo na pag aralin mo ako ha?" Ikaw lang naman itong pasikat na akala mo kung sinong magaling na nagpupumilit na paaralin ako !" "Bakit para ano? Para kapag makatapos ako,ako naman ang maghanap buhay,at ako naman angbubuhay sa inyong lahat?Sarkastikang tanong nito sa kanila. " Abat ingrata ka talagang bata ka! At ano ang gusto mo magpasarap sa buhay ha? Pamilya tayo kaya natural lang na tumulong ka at tama lang na ibalik mo sa ate mo ang lahat ng paghihirap niya sayo! Galit na sigaw ng kanyang Nanay dito. Iyon na nga Nay eh Pamilya tayo dito pero yan lang si ate Zen parati ang tama at magaling para sa inyo! Akala mo kung sinong Anghel na sobrang bait! Patuyang saad nito sa kanya. " Ces alam mo ba kung ano yang mga sinasabi mo, pinag aaral kita ,oo para makatulong sa akin , pero higit lalo pinag aaral kita para sa sarili mo! Para may maipagmalaki ka sa ibang tao at para hindi ka nila maliitin kahit na mahirap lang tayo! Inis na paliwanag niya sa kapatid na baluktot ang pagiisip. Sige para matahimik ka na hindi na ako papasok para wala ka ng isumbat sa akin na pinapaaral mo ako! Cecile ano ka ba? Kahit kailan hindi ko isinumbat sayo lahat ng ibinigay ko! Ang gusto ko lang ay mapabuti ka! Bakit dun ba sa lalaking kasama mo gaano ka kasigurado na mahal ka talaga nglalaking iyon ? Lalo na ngayon na nakuha ka na niya ha?Paano kung mabuntis ka? Anong gagawin mo sa anak mo ? Anong ipapakain mo ha?Nanggagalaiting tanong niya sa kapatid. Wala kana doon okay? Inggit ka lang dahil ako may boyfriend ikaw wala kasi boring ka! Pangiinsulto pa nito sa kanya Pak! Nagulat silang lahat ng bigla itong sampalin ng kanyang lolo. " Ingrata kang bata ka! Wala kang karapatan pagsalitaan ng ganyan ang nanay at ate mo ! lalo na ang ate mo na ibinigay sainyong magkakapatid ang lahat ngmeron siya! Nanginginig ang boses na saad ng kanyang lolo. "Lo tama na po baka kung anong mangyari sa inyo. Awat niya sa abuelo at nilapitan ito para alalayan na maupo sa silya ," Claoy ikuha mo ng tubig si lolo utos niya sa nkababatang kapatid agad naman itong sumunod at pinainom ang kanilang lolo. Ces kung ayaw mo ng mag aral sige bahala ka pero sana naman tulungan mo ang pamilya natin lalo na ang dalawa pa nating kapatid." "Oona!, oo na mother theresa the most kind helpful loving and caring daughter of all time! Huwag kang mag alala mayaman ang boyfriend ko at kayang kaya niya akong bigyan ng maraming pera! Taas ang kilay na saad nito sa kanya tspos ay tumalikod na at nagmartsa papasok sa kanilang silid iiling iling nalang siya napasapo sa kanyang ulo at naupo sa sofa katabi ang kanyang inay. Pasensiya ka na anak! Ani nito hindi ko alam bakit ganyan yang kapatid mo na yan ibang iba ang ugali sayo! Ani ng kanyang ina na kita ang lungkot sa mga mata ." Nay hayaan mo na matatauhan din yan si Ces , hayaan niyo na lang po muna siya. Alo niya sa ina , O ano ba yang dala mo ? Tanong nito na tukoy sa plastic na hawak pa rin pala niya sa kabilang kamay niya.Ay nay! hala ito po ulam at bigas natin para sa pananghalian , sagot niya at iniabot dito ang mga plastic bag na bibit. O siya sige mapahinga ka na muna at ako'y magluluto na muna ! Saad ng ina at dumiretso na sa kusina dala ang pinamili niya , pumasok na muna siya sa silid ng m agulang doon na muna siya matutulog alam niya kasi ang ugali ng kapatid alam niyang nilock nito ang pinto para hindi siya makapasok doon mabuti na lang at may gamit siya sa kwarto ng magulang Kaya mkakapagpalit siya ng komportableng pambahay, mamaya na lang siya magpapa alam sa mga magulang tungkol sa pupuntahan na party. Pagkatapos makapaglinis ng katawan at makpagbihis sy nahiga siya sa kama ng magulang alas otso pa lang naman may apat na oras pa bago ang tanghalian kaya matutulog na muna siya, dahil sa puyat at pagod ay agad siyang nakatulog.........
Naalimpungatan si Zen ng maramdaman ang mahinang tapik sa kanyang braso unti- unti niyang iminulat ang mga mata at nakita niya ang kanyang lola na nakangiti sa kanya," apo gumising ka muna at kumain ng tanghalian halika na at masamang malipasan ka ng gutom! Saad ng abuela at agad na din tumalikod at mabagal na naglakad palabas ng kwarto. inayos niya ang hinigaan at nagsuklay siya ng buhok bago diretsong lumabas na ng silid, naabutan pa niya ang nanay niya na kumakatok sa pinto ng silid nila ng kapatid tinatawag nito ang kapatid para lumabas at kumain. ngunit tumanggi ang huli, kaya inakbayan niya ang ina at iginiya paalis doon at papunta ng kusina. Pagdating doon ay nandoon na ang kanyang lolo at lola at ganun din ang 2 pa nilang kapatid nandoon na rin ang kanilang tatay na galing sa pamamasada ng traysikel. Nay ,tay magpapaalam po sana ako na aalis po ako mamayang gabi inimbitahan po kasi ako ng kaibigan kong si Lady birthday po kasi ng kapatid niya kaya kung pwede po sana ay pupunta ako mamaya? Paalam niya sa mga ito, " Oo naman anak pero hindi ba at day off mo ngayon? Tanong ng ina , " Opo nay kaya nga po pumayag na akong pumunta dahil hindi naman po makaka abala sa trabaho ko isa pa sandali lang po ako doon hindi po ako matatagal, pagbibigyan ko lang po ang kaibigan ko! Sagot niya sa ina. " Sige na Carmen payagan mo na iyang anak mo st minsan lang naman kung magliwaliw iyan aba'y puro trabaho na lang ang inatupag niyan wh! Paano yan maliligawan kung bahay stbtrabaho lang ang laging destinasyon niyan?! Ani ng kanyang abuela na ikinasimangot naman ng kanyang itay. Hoy Carlos ikaw nga eh wag sumimangot diyan! Aba'y anong gusto mo tumandang magisa iyang anak mo? Aba bente kwatro na iyan at hindi pa nsgkanobyo ! Haru D youyosko gusto ko rin naman makita ang apo ko sa tuhod noh! Ani ng kanyang abuela na pinalo pa ang braso ng ksnyang itay. Natawa na lamang siya sa mga ito ."O siya sige na at msgpahinga k na muna uli anong oras ba ang alis mo mamaya?Tsnong ng kanyang inay sa kanya habang abala na ito sa pagliligpit nf kanilang pinagkainan . Mga slas otso po nay!" sagot niya at lumabas na ng kusina hinsyaan na niya doon ang dalawang kapatid at iay niya , paglabas sa sala ay naabutan niya doon ang ama na nskaupo sa sofa na tila sadyang hinihintay siya, sinenyasan siya nitong lumapit dito ,na agad din naman niyang sinunod. Naupo siya sa tabi ng ama at mstamang tumingin dito. matanda na rin ang kanyang itay nasa senior age na din ito pero patuloy na namamasada ng traysikel para makatulong sa kanya sa pagbuhay sa kanilang pamilya naawa siya dito dahil alam niyang iniinda na rin nito ang rayuma nito , pero patuloy pa rin ito sa hanapnbuhay. ang kanyang inay naman ay tumatanggap ngnlabada mula sa kanilang mga kapitbahay at mula sa ibang lugar kung saan ito ipinapatawag para maglaba. samantalang ang kanyang abuelo at abuela naman ay nagluluto ng ibat ibang kskanin na inilalako naman ng kanyang dalawang kapatid na nakabata."Anak sambit nito bago bumunot ng malalim na hininga . Sinabi sa akin ng nanay mo ang vinawa ni Cecile , pasensiya kana sa kapatid mo anak pasensiya na at nasayang ang lahat ng pinaghirapan mo alam kong baon ka na sa utang para lang matustusan ang pagpapa-aral sa mga kapatid mo! Sorry anak at ikaw ang pumapasan sa dapat na obligasyon namin sa mga kapatid mo pasensiya na anak kung nagiging pabigat kami sa buhay mo! madamdaming saad ng ama sa kanya . " Tay anu ka ba !, Bakit ang drama mo today ha Tay?" Kahit kailan po hindi ko inisip na pabigat kayo sa akin pamilya ko po kayo kaya natural lang na tulungan ko kayo at natural lang din po na pag aralin ko ang mga kapatid ko! "Tay ibinabalik ko lang po kung ano ang ibinigay niyo sa akin noon , pinag aral niyo po ako kaya ngayon ako naman po sng bahala sa mga kapatid ko! Kaya huwag n po kayo magisip ng kung anu- sno pa po hmm?" Tay okay po ako at masaya po ako na nakakatulong ako sa pamilya natin! Saad niya sa ama bago yumakap ng mahigpit dito. " Anak gusto mo na bang msg boyfriend? Tanong nito ns ikinagulat niya. Strikto kasi tlaga ito pagdating sa pakikipagrelasyon nila lalo na sila na babae pa man din. "Tay ano bang klaseng tanong yan? Maang na tanong niya sa ama. Anak kung gusto mo ng magboyfriend ay okay lang naman sa akin basta ang magiging boyfriend mo ay iyong matinong tao sa loob at labas ,hindi yung mukhang matino lang sa labas ,pero bulok pala ang panloob! Matalinhagang saad ng ama niya. Basta anak kung sino man ang mapupusuan mo basta mahal ka ng totoo at kaya kang ipagtanggol sa lahat okay yun sakin ! Basta dapat dito ka sa bahay liligawan hindi sa labas! Bilin pa ng ama na ikinatango nalang niya.Niyakap niya ito muli ng mahigpit bago sila nagpaalam sa isat isa muling lalabas ang kanyang itay para mamasada ng traysikel ,siya naman ay muling pumasok sa silid ng magulang at natulog na doon.