Zen's p.o.v.
Alas sais ng gabi ng magising siya ,agad din siyang bumangon at inayos ang kamang hinigaan sinuklay lamang niya ng daliri ang kanyang lagpas balikat na buhok at saka iyon muling itinali ng pamessy bun , paglabas niya ay dumiretso siya sa kusina dahil may naulinigan siyang naguusap doon . Naabutan niya doon ang mga magulang st maging ang kanyang lolo at lola na tila st nagdidiskusyon , may problema po ba? Tanong niya sa mga ito tila nagulat pa ang mga ito ng magsalita siya at pumasok saloob ng kusina naupo na rin siya sa harap ng lamesa. "Nay,Tay ano pong nangyayari"? Tanong niya sa mga ito na nagtinginan pa muna bago nagbuntonghininga at tumingin sa kanya,." Anak kasi ang lolo at lola mo gusto nilang umuwi na lang sa probinsiya, " wika ng kanyang ina, na bakas ang lungkot sa mukha ,kung ang ibang manugang ay ayaw makasama ang biyenan sa iisang bubong. hindi ang kanyang Inay masaya ito na makasama ang magulang ng kanyang itay sa kanilang bahay at ganoon din naman siya ,nakamulatan na niya na kapisan ang mga ito mula sa kanyang pagkabata ang mga ito ang kasama nila at nag aalaga sa kanila sa bahay habang nag hahanap buhay ang kanilang magulang. " La, Lo! Ano naman po ang naiisip niyo at gusto niyong umuwi sa probinsiya? Tanong niya sa mga ito ,"eh kasi apo nahihiya na kami sayo dahil alam namin na nagiging pabigat na kami dito sa inyo dagdag pa kami sa pinapakain at ginagastusan mo! Malungkot na saad ng kanyang lola."La kung tungkol pa rin po ito sa sinabi ni Ces kanina huwag niyo na po intindihin ang babaeng iyon para namang hindi niyo kilala ang kapatid kong iyon talagang matabil lang po ang dila noon ,pero sigurado ako na ayaw din naman niya na umalis kayo dito. " Isa pa alam naman po natin na sira- sira na rin ang bahay niyo sa probinsiya dahil hindi na rin iyon naaaasikaso nila angkol Bert kaya wala din po kayong matutuluyan doon at saka wala po kayong ikabubuhay doon paano na lng po kung atakihin kayo ng blood sugar niyo pati ng altapresyon? Ani niya sa matanda habang hawak niya ang kulubot ng mga kamay nito. " Iyon na nga apo ang sinasabi ko sa lola mo ,aba'y maayos lang sana kung malakas pa ako at kaya ko pang sumakay ng kalabaw para mag araro sa bukid eh alam niyo naman nirarayuma na din ako ! Sabat naman ng kanyang lolo."O kita mo na la? Kaya wag na po kayong mag-isip na aalis dito isa pa po lupa ito ni lolo kaya kayo po ang mas may karapatan dito kesa sa amin ,kaya wag niyo po isipin na pabigat kayo sa sakin. Pamilya po tayo kaya dapat lang po na sama sama tayo! Aniya sa dalawang matanda. "Siya sige apo hindi pasensiya kana!, naisip ko lng naman na baka mas mabuti kung aalis na kami para mabawasan ka ng alalahanin dito." "Pasensiya na apo at maraming salamat dahil talagang napakabait at napakabuti mo!" Saad ng kanyang lola at niyakap pa siya ng sobrang higpit na ginantihan din naman niya ng mshigpit na yakap." Siya nga pala anak anong oras ka aalis? Tanong ng kanyang inay sa kanya mamaya pa po nay mga alas otso pmagkikita na lang po kami ng mga katrabaho ko sa sakayan."Sagot niya sa ina bago sumulyap sa kanilang wall clock nakita niyang mag aalas saisy'media na ng gabi," kakain ka ba ng hapunan bago umalis? Tanong ng kanyang lola." Iiinit ko ang sinigang kung gusto mong kumain muna? Hindi na po lola doon na lamang po ako kakain , magalang na sagot niya sa abuela bago nagpaalam na maliligo na muna siya at mag aayos ng sarili. Agad na siyang pumasok sa banyo pagkatapos makuha ang kanyang gamit sa silid ,mabuti at wala na doon ang kapatid nakita niya itong lumabas ng bahay kanina marahil ay mangangapit-bahay ito o di kaya'y bibili sa tindahan , hndi na niya iyon pinagtuunan pa ng pansin at agad pumasok sa kanilang silid kumuha siya ng tuwalya niya at ng damit na maisusuot isang jeggings lamang ang napili niyang suotin at isang blouse na medyo hapit sa kanyang katawan luma n ang damit na iyon pero dahil sa maingat siya sa mga damit at maingat ring maglaba ang kanyang nanay ay hindi nman iyon mukhang luma, kumuha na rin siya ng jacket na may hood dahil alam niyang mamaya lang ay mahamog na sa labas ,nagsuot lang din siya ng rubbershoes ang Sketchers na rubber shoes na nabili niya noong unang sweldo niya bilang call center agent.Naglagay din siya ng manipis na pulbo sa mukha at liptint naman sa kanyang labi at magkabilang pisngi upang hindi naman siya maputlang tingnan hindi man maputi ay makinis at pino ang kanyang balat kesa sa karaniwan tila daw siya kutis mayaman siguro dahil sa alaga sa lotion ang kanyang balat mula pa noong siya ay bata pa lamang ,hindi rin siya hinahayaan ng nanay niya noon na maglaro ng nkashort lamang, palagi siyang nka jogging pants at hindi rin siya pinapayagan na maglaro kung mainit pa ang araw kaya siguro maganda ang kutis niya at isa pa siguro ay dahil namana niya iyon sa ina dahil ito ang kakulay niya,ang tatay niya kasi ay kayumanggi, diguro dahil na rin sa maghapon itong ngpapasada ng traysikel, pero gwapo ang tatay niya dito naman niya namana ang kanyang matangos na ilong at bilugang mga mata na tila ay laging inaantok dahil likas na mapungay iyon. balingkinitan ang kanyang katawan ,masasabi naman niyang may katawan rin naman siya kahit paano,hindi man kalakihan ang kanyang dibdib, ay may umbok naman iyon bilog na.. bilog at tayong tayo pinkish din ang nasa tuktok noon , maliit din ang makurba niyang bewang habang bilugan nman na malapad ang kanyang balakang na bumagay sa kanyang mahabang biyas coca cola body nga daw siya ayon sa mga kaibigan niya at kakilala, ngunit NBSB, siya dahil hindi niya priority ang magpaligaw o makipagboyfriend. Ang goal kasi niya sa buhay ay ang mapag aral ang kanyang mga kapatid at matulungan ang kanyang magulang at buong pamilya nila. Ipinilig niya ang ulo para maalis ang kung anu anong isipin sa kanyang utak lumabas na siya ng silid at pumunta sa kusina para magpaalam sa kanyang magulang na aalis na naabutan niya doon ang buo niyang pamilya na kumakain ng panggabihan nila , lumapit siya sa may lababo dahil nakita niya doon ang kutsilyo na bagong bili niya, ginamit na pala iyon ng kanyang inay. " Nay matalas po ba itong kutsilyong nabili ko?" Tanong niya sa ina s hinawakan pa ang kutsilyo at sinipat sipat pa ang talim.noon."Ay oo anak madaliko ngang nahiwa areng baboy kanina saan mo b binili yan? Sagot tanong naman nito sa kanya, " sa labasan po ng palengke kay mang Dolfo po! Sagot naman niya sa ina ."Ah ganun ba, mabuti at nakabili ka na niyan dahil ang luma nating kutsilyo ay sobrang purol na aba'y matalas pa ang ngipin nirtong si Caloy eh! Natatawang saad ng kanyang lolo na tukoy ang nkababatang kapatid niyang lalaki. Ilang saglit pa at magpaalam na siyang aalis sa mga ito. Lumabas na siya ng kanilang bahay at naglakad na palabas sa kanilang labasan, medyo umambon kaya isinuot niya ang jacket na may hood , binati pa diya ng ilang mga kapitbahay na nadaanan niya sa may tindahan"Zen ikaw ba ay pspapasok na?" Bati at tanong sa kanya ni Ate Vicky ang may ari ng pinakamalaking tindahan sa kanilang lugar," Hindi ate vicky may dadaluban lang akong birthday ng katrabaho ko! Sagot niya at akmang lalagpasan na ito ng muli siya nitong tawagin " Zen sandali! Tawag nito kaya lumapit siya dito." Bakit ate? "Zen kasi dalawang buwan na ang lista niyo dito sa tindahan hindi pa nababayaran , eh kung hindi mo p ito mbbyaran ngayon ,hindi ko na muna pauutangin ang pamilya mo? Ani nito sa kanya na ikinagulat niya." Po? Paanong hindi pa po bayad eh nagbigay ako ng pambayad kay Cecile noong nakaraan? Takang tanong niya sa ginang " Naku Zen malamang iniscam ka ng kapatid mong iyon! maldita talaga ang batang iyon hindi na naawa sayo! Ikaw na nga itong nagpapakahirap magtrabaho tapos kukupitan ka pa!? Eh isa nga yang kapatid mo sa madalas mangutang dito sa skin puro softdrinks at sitsirya ang inuutang kung minsan nanlilibre pa sa mga barkada niya pero ipapalista naman sa pangalan mo!" Gigil na saad ng ginang sa kanya." Hayaan mo na ate, magkano ba ang utang namin? Saad niya dito, "heto 2,500 na sa dalawang buwan! Saad nito nagulat siya sa laki ng utang nila pero hindi na siya nagkomento pa, ngumiti n lang siya sa ginang bago marahang nagsalita" sige ate bayaran ko na lang po ng buo yan, pero pwede po bang pagbalik ko nalang? Tanong niya dito. Tumango naman ang ginang, bago siya umalis sa tindahan ay nakiusap pa siya dito na huwag na lang banggitin sa magulang niya ang ginawa ng kapatid . Naiiling siya at natawa ng mapakla ganun na ba ka maldita ang kapatid at nagawa na nga silang lokohin tungkol sa pagaaral nito at pagkakaroon ng boyfriend ay nagawa pa siyang nakawan nito.Nalulungkot siya sa nangyayari sa kapatid hindi niya alam na may itinatago pala itong hinanakit sa kanya at lalong hindi niya alam na nagseselos pala ito sa kanya sa atensiyon ng mga tao sa paligid nila, kahit kailan kasi ay hindi naman niya inilagay sa ulo ang lahat ng papuri sa kanya ng mga tao sa kanyang paligid, ang tanging mahalaga sa kanya ay ang maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Haay! buntong hininga niya bago bumaba sa traysikel na sinasakyan ng huminto iyon sa terminal. Nandoon na ang ilang kstrabaho niya ng dumating siya." Zen mabuti naman at pumunta ka! Akala namin iindyanin mo kami! Bati sa kanya ng isa sa katrabaho niyang si Alfred , isa ito sa mga katrabaho niyang nagtangkang manligaw sa kanya noon , pero umpisa pa lang ay tinapat na niya ito na wala sa plano niya ang makipagrelasyon , ayos lang naman iyon dito kaya wala naman silang ilangan kapag nagkakasama sla sa trabaho." Bakit ko naman kayo iindyanin isa pa nangako ako kay Lady san ba siya? Tanong niya na hinahanap ang kaibigan. Andiyan kasama si Morris kinuha ata yung cake na pinagawa para sa kapatid niya!" sagot nito na tinuro p ang isang sikat na bakeshop na tawid kalsada lang ,tanaw nga niya ang kaibigan na palabas doon kasama si Morris na nobyo ng huli. Agad itong tumakbo patawid sa kanila at niyakap siya ng makalapit"Girl thank you sa pagpunta! Masayang saad nito
sa kanya natatatawa na lang siya na bumati at yumakap din sa kaibigan , ilang minuto pa silang naghintay hanggang sa dumating na ang iba pa nilsng kasama sa trabaho kasama na ang isa sa super visor nila na si mam Leah , halos alas otso kinse na sila nkarating sa bahay ng kaibigan, sumakay sila sa suv na sasakyan ng kanilang supervisor...........