BOLADCT-8
Caldwill Enzo
"WAIT! You knew Clayd?" I asked Jill. She nodded. Mas lalo tuloy akong nawalan ng ganang kumain. That guy is getting into my nerves! I looked at Marinel. She's smiling from ear to ear, like what the hell! So masaya siya sa lalaking iyon!? Damn it! Kanina pa ako nababaliw sa kaiisip kung ano at kung si Clayd sa buhay niya. I've almost freak out when she said a while ago that she wanted us to be parted for real! Kinuha ko ang table napkin sa aking kandungan at padabog na ibinato sa mesa. I stood up. I thought everything is going to be well. Masakit sa akin na may kahati ako sa kanya. I love her so damn much!
"Saan ka pupunta?" Marinel asked me as she returned the phone to Jill.
"I've lost my appetite." She sat back and ate her meal like she doesn't cared about my feelings.
"Maghintay ka sa sala, darating si Clayd ngayon." And my blood is boiling right now!
"What!? It's late in the evening already and yet you've invited him here in my house? No way!" She glared at me.
"Kasama niya si Andy. Sa sala ka maghintay or else may gagawin akong 'di maganda," banta niya. Laglag ang aking panga sa narinig.
"Are you serious Marinel?" manghang tanong ko pa.
"Yes! So go and don't you dare provoke me sweety," she said while pointing the fork on my lower part. Agad kong natakpan ang aking pundasyon.
"Sadist," inis kong sagot at walang nagawa kundi ang sundin siya. Damn! Kailan pa ako naging under kay Marinel!? Jeez! I sat on the sofa and waited like what she told me. Minutes passed, sumunod siya sa akin at tumabi. Isinandal niya sa akin ang kanyang baba sa aking balikat.
"Masiyado kang masungit," aniya.
"I'm jealous," sagot ko at pumaling sa kanya. She kissed me.
"You'll be surprise," paniniguro niya. I just kissed her back on her crimson lips.
"Mama?" I was froze when I heard that. It was like a slow motion when my head turn to that kid who called Marinel, his Mama. Andy is holding his tiny left hand. Para kong nakikita ang sarili ko sa batang kasama ni Andy. It was like my little mini-me. Tumakbo ito papunta kay Marinel.
"Mama, why do I looked like him?" Itinuro niya pa ako. My tongue was stucked! I can't even say a words, even few. Marinel just smiled at him.
"Are you confused? He is your father." I have a son!? Bumaling naman ito sa akin.
"Hi," he greeted me. Napatingin ako kay Marinel. I want her to rescue me from this revelation. But she just rolled her eyes on me.
"Say something dude," Andy interfered. I cleared my throat first and looked at this kid standing in front of me.
"Can I hug you?" unang nasabi ko. He climb on me and then gave me a warm hug. I bit my lower lip and hug my son so tight. I have a son! Parang ayaw ko ang maniwala pero yakap ko siya ngayon dito sa mga bisig ko.
"God!" I whispered and never let go of him. I was teary eyed. Ramdam na ramdam ko iyong pakiramdam na sinasabi nilang lukso ng dugo. I cupped his face.
"How old are you?" I asked as I continued sniffing. It's kinda gay, but hell! I have a son! This is my son.
"Three and half," he answered. I swallow hard. Kumunot ang aking noo at pumaling kay Marinel.
"Buntis ka no'ng nagkahiwalay tayo?" She nodded and wipe her tears away.
"Bakit hindi mo sinabi?" Napayuko naman ito at muling pinunasan ang kanyang pisngi.
"Hindi ko pa alam no'ng nakahiwalay tayo at isa pa'y galit ka. I am not brave enough that time if I told you that I'm pregnant. I am afraid that you might rejected me and our son because you are so angry that time. Patawarin mo ako Caldwill." Kinabig ko siya at hinalikan sa kanyang noo.
"I'm so sorry Marinel. You should've at least try," I said.
"Are you fighting Mama?" my son asked.
"No Clayd," Marinel said.
"Clayd?" reaksiyon ko. Narinig ko naman ang pagtawa ni Marinel at ni Andy.
"It's not funny!" nahihiya kong anas. I don't have any idea at all! Para akong tanga na minumura ang isang tao! Damn! Anak ko lang pala ang pinagseselosan ko! Napabungisngis naman ng todo si Marinel sa aking tabi.
"Kahit pala anak mo, pagseselosan mo!" Natawa siya ulit.
"So immature bro!" segunda pa ni Andy.
"Oh come on! You guys never told me that Clayd is my son! I even cursed him in my mind. I'm so sorry buddy." Niyapos ko ang mukha ng anak ko.
"Papa, please don't hurt my Mama anymore. Will you? Because I will not forgive you." Nagkatinginan kami ni Marinel.
"Did you taught him?" Agad na umiling si Marinel. I faced my son.
"I will. I won't promise because I am going to do it." Humikab naman ito at napasandal sa aking dibdib.
"I love you Papa," he whispered. I sniffed again and tried to hold back my tears.
"You gave me again a greatest gift Marinel." I held her face and kissed her.
"You’re welcome," she said.
"Why do I felt so bitter right now?" Napatingin ako kay Andy.
"Get a family Andy." He just smirked at me.
"Yeah! Yeah! Kayo na may forever! Tsk! Pa-sleep over. Good night Marinel," aniya. Marinel just nod.
"Akin na si Clayd," aniya. "No. I can handle him." Kinarga ko ng maayos ang anak ko.
"Bagay naman pala sa iyo," asar niya at napahagikhik pa. Nailing na lamang ako. Yes! It's my first time and I am practicing it.
"Stop it," sagot ko na lamang. Dinala ko ang anak ko sa silid kung saan ko pinagawa ang isang nursery room. I laid him on the bed and cover his lower part using the thick blanket.
"Sanay siya na katabi ako," ani Marinel sa aking likuran.
"I wouldn't be surprised. You raised him all alone, without me by your side." May malaki akong panghihinayang sa aking sarili. Wala man lang akong chance na makita ang anak ko mula nang maipanganak siya ni Marinel.
"Ang mahalaga ay ang ngayon Caldwill." Umiling ako.
"No Marinel. Everything about you is important to me." Niyapos ko siya sa kanyang baywang at masuyong ginawaran ng halik sa kanyang labi.
"I love you Marinel, always am, always will, better than forever. Because always is bounded by us together. You, me and our son Clayd." She shed a joyful tears.
"Mahal na mahal din kita, Caldwill." Muli ay ginawaran ko siya ng halik sa kanyang noo. Lumabas na kami ng kuwarto at lumipat sa mismong kuwarto namin. We just laid on the bed and I hug her. Marinel hugged me back. I sighed. Hindi ko man sila nakasama sa loob ng tatlong taon. I am still happy that I have them back. And I will cherished this until of my last breath.
Marinel
KINAUMAGAHAN ay mas nauna akong nagising kay Caldwill. Sobrang gaan at saya sa pakiramdam na makita ko siya sa tabi ko. Dati ay pinangarap ko lang ito pero ngayon ay talagang kasama ko na siya, namin ni Clayd. Inalis ko ang pagkakayakap nito sa akin at bumaba sa kama. Diretso ako agad sa kusina. Gusto ko kasing ipaghanda ng almusal ang dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.
"Maselan pa rin ho ba sa pagkain si Caldwill, Manang Ester?" tanong ko habang inililipat ang menudong niluto ko sa malaking bowl. Nahinto naman ito sa pagpupunas ng mga pinggan.
"Nako ma'am, no'ng umalis kayo'y 'di na rin dito tumira si sir. Lagi nga ho 'yong naglalasing e. Do'n po siya tumira sa isa sa mga condo niya. Kaya hayon, 'di na po ako ang nagluluto para sa kanya." Napatango ako.
"Kailan lang siya bumalik dito?" tanong ko ulit. Gusto kong malaman ang mga nangyari rin sa kanya no'ng mga panahon wala ako sa tabi niya.
"No'ng nakaraang araw lang po ma'am," aniya.
"Buti naman po at 'di niya ipinatapon ang mga naiwan kong gamit dito," ani ko pa at mapait na napangiti. Umiling naman ito.
"Ay hindi ma'am. Kahit nga po gano'n iyon kagalit sa inyo noon ay nagawa niya pang ipaayos ang kanyang kuwarto para lang po bumagay ang mga gamit niyo sa kuwarto niya." Mariin kong nakagat ang aking labi. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sobrang gaan ng loob ko. Mahal na mahal nga niya talaga ako.
"Pero ma'am, ayaw ko talaga sa babaeng sumasama kay sir Caldwill. Kung makaasta kasi iyon e parang siya ang asawa." Kumunot ang aking noo.
"Sino po ang tinutukoy niyo?"
"Me!" Pareho kaming napatingin ni Manang Ester sa aming likuran.
"Paano ka nakapasok dito!?" gulat kong tanong.
"Gamit 'to!" Agad na itinutok ni Moana sa akin ang hawak niyang baril. Napasinghap ako at agad na napakapit si Manang Ester sa akin.
"You ruined everything!" Nailing ako.
"Ikaw mismo ang sumira sa sarili mo, lalo na sa amin!"
"No! It was you! Lagi na lang ikaw ang magaling! Lagi na lang ikaw ang napapansin! Kung bakit pa kasi hindi ka pa natuluyan no'ng tinangka kitang patayin!" Nagulat ako sa narinig ko.
"Nagulat ba kita!? Yes! I'm the one who is responsible why you have amnesia right now! Itinulak kita mula sa second floor ng building sa bahay ampunan!" Napahawak ako sa aking ulo. Pilit kong inaalala ang nakaraan pero wala pa rin akong matandaan sa mga sinasabi niya.
"Hayop ka! Masamang damo! At 'di ka pa namatay! Buwesit ka Nel! Inagaw mo sa akin si Caldwill! Inagaw mo siya sa akin! Hayop ka!" Itinutok niya pang lalo sa akin ang baril dahilan para mapalunok ako. Humarang ako kay Manang Ester.
"Hindi ko inagaw sa iyo si Caldwill." Naiyak naman ito.
"Sinungaling! Ako sana dapat ang minahal niya at hindi ikaw! Ginawa ko ang lahat para mawala ka sa landas ko! Lahat ginawa ko! At nagwagi nga ako! Nakalimutan mo siya! Pero hindi pa rin niya ako nakuhang mahalin at dahil iyon sa iyo! Lahat na lang Nel! Lahat na lang inagaw mo! Ang pagmamahal ni Sister Carmen! Si Caldwill! Alam mo ba kung paano gumuho ang pagmamahal ko kay Caldwill? No'ng naging kayo! Ginawa ko lahat! Nagpaampon ako sa tiyahin mo! Nagulat ka ba? Nagulat ka bang sa iisang bahay ampunan lang tayo nanggaling? Naman!" Lumipad sa bibig ko ang aking kanang palad. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano kalaki ang galit niya sa akin.
"Ayos na sana Nel! Ayos na sana pero inagaw mo rin sa akin si Calvin! Kaya itinulak kita sa pool! Tama! Ako ang tumulak sa iyo pero letse! May sa pusa ka yata at 'di ka pa natuluyan!" Wala akong masabi sa mga narinig ko mula kay Moana. Alam kong ampon din siya pero hindi ko alam na ganoon ka laki ang inggit niya sa akin.
"Moana!" tawag bigla ni Caldwill. Karga-karga niya ang anak naming si Clayd na kamumulat lang din.
"May anak kayo!?" Nagulat ako sa sigaw ni Moana kaya agad akong napatakbo sa kinatatayuan ni Caldwill.
Pero bigla na lamang akong nakarinig ng malakas na putok ng baril. Si Moana, nagpaputok sa itaas nito. Tumama 'yong bala sa kisame.
"Diyan ka lang! Sinabi ko bang kumilos ka!" Mangiyak-ngiyak kong itinaas ang mga kamay ko na parang sumusuko ako sa awtoridad. Umalingaw-ngaw naman ang malakas na pag-iyak ng anak kong si Clayd. Hindi ko maiwasang maawa sa anak ko. Baka ma-trauma siya. Abala naman si Caldwill sa pagpapatahimik sa anak namin. Bakas din sa mukha nito ang matinding pangamba sa maaaring gawin sa amin ni Moana.
"Sumagot ka Marinel! Who the hell is he!" Napaigtad ako at pinipigilan ko ang mapahagulhol.
"It's our son," sagot ni Caldwill.
"No way! No! Ako lang dapat ang may karapatang maging ina ng mga anak mo! At hindi ang babaeng iyan!" Muli ay itinutok ni Moana sa akin ang hawak niyang baril.
"Mama!" sambit ng anak ko.
"Ssh! Stop crying Clayd. Mama's gonna be okay!" alo ko sa anak ko.
"Pathetic!" singhal ni Moana.
"Moana! That's enough! Put the gun down!" Caldwill said to her. Moana shook her head.
"Akin ka lang! Akin!"
"I am not yours! Hindi ka pa ba kuntento sa perang ninakaw mo kay Calvin! Are you f*****g insane!" Bigla namang natigilan si Moana.
"Paano mo nalaman iyon?" gulat nitong tanong.
"I'm not that stupid enough! Nakakuha ako ng mga ebidensya sa kuwarto mo! And now you can't fool me!"
"Shut up! And I don't cared if you knew it already! Ibaba mo iyang batang iyan and come to me! I swear Caldwill, you and I are going to be happy. Let's start a new family." Napapikit ako ng mariin. Galit ako kay Moana pero 'di ko pa rin maiwasang maawa sa kanya. Naaawa ako sa nakikita kong namamalimos siya ng pagmamahal mula kay Caldwill.
"No!" mariing sagot ni Caldwill sa kanya.
"Then she'll die!"
"What the hell!?" Narinig ko pang sambit ni Andy na kalalabas lang din sa kanyang kuwartong tinulugan. Kasabay niyon ay ang dalawang putok ng baril at ang parehong pagbasak naming dalawa ni Moana sa sahig.
"Marinel!" sambit ni Caldwill at agad akong nilapitan. Natamaan ako sa braso pero si Moana, nakahandusay sa sahig at duguan. Nabaril siya ni Ivan mula sa likuran nito.
"Oh god! Andy get Clayd!" Nataranta bigla si Caldwill nang makita niyang duguan ang aking braso. Agad namang tumalima si Andy at kinuha ang anak ko.
"Ayos lang ako."
"You're not okay!"
"Si Moana," sagot ko. Tinabig ko ang kamay ni Caldwill at lumapit kay Moana.
"Marinel! What the hell are you doing!?" Nailing ako.
"Tumawag ka ng ambulansya!" Itinihaya ko si Moana.
"Moana wake up!" Tinapik ko ang kanyang mukha at idinikit ang aking tainga sa kanyang ilong. Hindi na siya humihinga. Sa lalim ng sugat niya sa likod ay halos tumagos ang bala sa kanyang dibdib. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lamang. Moana don't deserved to die like this. Mahal na mahal niya lang si Caldwill kaya nauwi siya sa ganitong sitwasyon.
"Marinel," anas ni Caldwill at niyakap ako mula sa aking likuran. Yumakap ako sa kanya pabalik. Lumalabo na ang aking paningin dahil sa sugat na natamo ko sa aking braso. Hindi ko na namalayan ang sunod na nangyari dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.