┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Dalawang linggo pa ang lumipas. Mag-isa si Thomas sa kanyang opisina habang si Chad ay inutusan niyang bumili ng agahan nila dahil hindi pa sila kumakain. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mahanap si Agatha. Nag-iisip na siya na gumamit ng impluwensya niya upang mahanap na niya ang babaeng hanggang ngayon ay laman ng kanyang isip at puso. Walang araw na tumitigil ito para lang mahanap ang kanyang dating kasintahan. After ng kanyang trabaho ay paghahanap naman ang inaatupag niya kaya madalas ay hindi na niya nabibigyan ng pansin ang sarili. Kaunting pahinga ay sapat na sa kanya at patuloy siyang naghahanap kung saan-saan. Gusto niyang patunayan kay Agatha na hindi siya susuko at paghihirapan niya ang paghahanap dito. "Agatha... nasaan ka ba? Ginagawa ko naman ang lahat