Chapter 2

2260 Words
Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Victor sa gusto niyang mangyari. Siguro, dahil sa mga mata niyang nangungusap. Kahit na galit ang mga titig niya, alam kong sa likod no'n ay puno ng kalungkutan ang mga ito. Napangiti siya sa unti-unti kong pagtango. "Good girl..." aniya. Hinila niya ako palabas ng CR. Kita ko pa ang pagkagulat ng mga lalaking naghihintay sa pintuan paglabas namin. Tila ba nagtataka sila kung ano ang ginawa namin sa loob. "Sir..." sambit ko paglabas namin ng bar. Tinanggal niya ang hawak sa aking braso. Nilingon niya ako, magkasalubong na naman ang kanyang mga kilay. Galit na naman ba siya sa akin? "What?" tanong niya. "Pag usapan natin ang set up natin." "May trabaho pa po ako," yumuko ako. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri. "Pwede po bang mamaya na lang tayo mag usap?" "Wala akong pakealam kung may trabaho ka. Kapag sinabi kong mag usap tayo, mag uusap tayo..." mariin niyang sabi. Hinila niya na naman ako hanggang sa makadating kami sa isang coffee shop na malapit sa bar. Binigyan agad kami ng menu ng waiter pagkaupo pa lang namin. Sinilip ko ito at tiningnan ang mga presyo. Ang mahal naman! Sayang lang ang pera ko pag um-order ako nito. Binaba ko na lang ang menu. "Anong sa 'yo?" kasing lamig ng boses niya ang mga titig niya sa akin. "Uhh..." tikhim ko. "Tubig na lang po," nahihiyang sabi ko. Ayokong gumastos. Ang dami ko na ngang utang tapos bibili pa ako ng mamahaling kape. "Tss..." binaling niya ang tingin sa waiter. "Two Macchiato, please," aniya. Tumango agad ang waiter. Magpoprotesta sana ako para ipa-cancel ang order, kaso ay umalis na ang waiter. Tubig lang ang akin, wala akong pambayad! "Uhh.. sir, tubig-" "Ako naman ang magbabayad," tumingin ulit siya sa akin. Dahil magkatapat kami, kitang-kita ko kung gaano kalalim at kalamig ang mga mata niya na nakatuon sa akin. "Babayaran-" "No need, Aria. Hindi ako nagpapabayad," sumandal siya, hindi pa rin natatanggal ang malalim na titig niya sa akin. Nag iwas na lang ako ng tingin. Hindi ko kasi kayang salubungin ang mga mata niya. "Now, let's talk about our set up." Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang maalala ko kung ano nga ba ang dahilan kung bakit magkasama kami ngayon. Tiningnan ko na lang ang mga daliri ko na nakapatong sa aking hita. Wala akong alam sabihin. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong sabihin. "How old are you?" tanong niya. "Twenty-five," mahinang sabi ko. "Look at me. Nag uusap tayo, Aria. Tumingin ka sa akin," utos niya na agad ko namang sinunod. Natatakot na naman ako sa tono ng kanyang boses. Pakiramdam ko, kahit na anong gawin kong paggalaw ay nagagalit siya sa akin. "Sorry..." kinagat ko ang aking labi. Magsasalita sana ulit siya, kaso ay dumating na ang kanyang in-order. Nilapag ng waiter ang mga kape sa mesa namin pagkatapos ay umalis na. "You're clean..." ani Victor nang kami na lang ulit dalawa. "Po?" nagtatakang tanong ko. "Malinis ka... ako ang una mo, so, I know you're really clean..." naka krus ang mga braso niya sa kanyang dibdib. Malalim pa rin ang kanyang titig sa akin. Gusto ko mang iwasan ang kanyang mga mata, hindi ko naman magawa. Baka magalit na naman siya sa akin. "At ngayong alam mo na ang pakiramdam... ayoko na gawin mo iyon sa iba." Kumirot ang puso ko dahil sa kanyang sinabi. Anong akala niya sa akin? Na ibibigay ko lang ang sarili ko kahit kanino dahil alam ko na ang pakiramdam no'n? Gano'n ba kababa ang tingin niya sa akin? Gusto kong umiyak, kaso ay pinipigilan ko ang mga luha ko. Bakit nga ba naman ako iiyak sa kanyang harapan? Para ipakita sa kanya na mahina akong babae? "Hindi ko naman 'yon.... gagawin sa iba." "Good," tango niya. "So... are you taking pills or something?" "Hindi," iling ko. "Hindi ako gumagamit ng gano'n." "Kailangan mo nang gumamit ngayon. Don't worry, ako ng bahala d'yan. Ipapacheck up din kita..." inabot niya sa akin ang kaynang cellphone. "Give me your number. Para ma-text kita kung kailan." Kinuha ko na ang cellphone niya para i save ang aking numero.  "I'll text or call you. Gusto ko ay agad kang magrereply sa mga text ko. O kaya naman ay agad mong sagutin ang mga tawag ko," utos niya.  Tumango na lang ako at ibinalik na ang kanyang cellphone. Binaling ko ang tingin ko sa kabilang mesa na malapit sa amin. Parang kinurot ang puso ko nang makita ko ang isang pamilya na sobrang saya. Batid ko sa mga mata ng batang babae ang kasiyahan niya dahil kasama niya ang kanyang mga magulang. Nag iwas na lang agad ako ng tingin. Naiinggit ako. "You're not listening..." napabalik ang tingin ko kay Victor dahil sa kanyang sinabi. "Tinatanong kita kung may naging boyfriend ka na ba o kung may boyfriend ka ngayon," ayan na naman ang galit na mukha niya. "Wala... wala pa akong nagiging boyfriend." "Really?" tumaas ang kilay niya na para bang hindi siya makapaniwala sa aking sinabi. "Kahit isa?" "Oo..." "First kiss, wala rin?" rpinatong niya ang kanyang mga kamay sa mesa. "Wala din..." "Really?" tumayo siya at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Nagulat ako sa kanyang ginawa kaya napasandal ako. Mabuti na lang ay may mesang namamagitan sa amin. "I am your first kiss," malamig na sabi niya. Bumalik ulit siya sa pagkakaupo. Hindi ako nakapagsalita dahil sa kanyang sinabi. Oo nga pala, nahalikan na niya ako. Kaya siya ang first kiss ko. Hindi ko tuloy maiwasan na tingnan ang mapula niyang labi. Para bang inaakit ako nito. Natigilan ako sa pag iisip nang bigla niya ako hinila patayo. Nag iwan siya ng pera sa mesa namin pagkatapos ay lumabas na kami ng coffee shop. Nagkata ako sa kanyang ginawa. Ano ang problema niya? Bakit niya ako hinila? Ni hindi pa nga namin nagagalaw yung kape na in-order niya. Sayang lang ang kanyang pera! Dinala niya ako sa parking lot ng bar na pinagtatrabahuan ko. May hinugot siya sa kanyang bulsa, isang susi. May pinindot siya, at halos mapatalon ako sa gulat nang tumunog ang sasakyan na nasa harapan namin. Binuksan niya ang pintuan sa may likuran at pinapasok ako doon. Sumunod naman agad siya sa akin at mabilis na sinara ang pintuan. Bumilis ang kabog ng dibdib ko lalo na nang lingunin niya na naman ako gamit ang malamig niyang titig. "Uhmm..." nilaro ko ang aking mga daliri. Hinawakan niya bigla ang hita ko. Hindi napuputol ang aming tinginan. Gusto kong umiwas ngunit hindi ko magawa. Parang may magnet ang mga mata niya kaya hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Umurong naman ako ng umurong hanggang sa nakasandal na ako sa pintuan.  "Sir..." lumiit na yata ang aking boses dahil sa kabang nararamdaman. Umakyat isang kamay niya sa aking batok. Hindi ko na nagawa pang magprotesta dahil mabilis niyang idinikit ang kanyang labi sa aking labi. Bukas ang mga mata niya, malamig pa rin ang mga ito. Walang pagbabago. Walang emosyon. Napapikit na lang ako nang mag umpisang gumalaw ang kanyang labi. Ako naman ay tila nanigas sa aking kinauupuan. Hindi ko alm kung susuklian ko ba ang kanyang halik o mananatili na lang sa ganito. Ang kamay niyang nasa hita ko ay unti-unti ding gumalaw pataas. Kahit na nakasuot ako ng pantalon, nararamdaman ko pa rin kung gaano kainit ang kanyang haplos. Pinigilan ko ang kamay niyang naglakabay na sa gitna ng aking hita. Minulat ko ang mga mata ko, tumigil siya sa paghalik. Lumayo siya sa akin. Binawi rin niya ang kanyang kamay. "Why?" tanong niya.  Umiling ako. Kinagat ko ang aking labi dahil sa kabang nararamdaman. Natatakot ako sa kanya. Natatakot ako dahil hindi ko alam kung ano nga ba ang tumatakbo sa isip niya. Natatakot ako dahil alam ko na habang ginagawa niya ito, ibang babae ang nasa isip niya. Natatakot ako sa lahat ng nangyayari. Natatakot ako para sa sarili ko. "Huwag ka ngang umasta na parang virgin ka pa," napayuko ako sa kanyang sinabi. Ang sakit. Gusto ko nang bumaba sa kanyang sasakyan. Sanay ako na minsan ay kinuktya ng ibang tao. Pero ang mga salita ni Victor, nakakapanghina. Tumatagos sa aking puso. "Sorry..." hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon. Ako na nga ang ininsulto niya pero ako pa rin ang humingi ng tawad. "Tss..." singhal niya. "Sige, bumalik ka na sa trabaho mo." Hindi na ako nagsalita. Bumaba na ako sa kanyang sasakyan at pumasok na ulit sa bar. Pinigilan ko ang aking mga luha sa pagpatak. Hindi dapat ako umiiyak. Pinasok ko 'to, eh. Bakit ko iiyakan? Ginusto ko rin naman ito. Bahala na kung ano pa ang mga maaaring mangyari sa susunod na araw. Bumalik ako sa loob na tila walang nangyari. Normal lang ang lahat. Hindi ko ipinahalata kay Fin o kahit na kanino ang kalungkutang nararamdaman ko. Ngumiti na lang ako para takpan ang sakit. "Ria! May nakatingin sayo. Nandoon siya sa counter," kalabit sa akin ni Fin habang naghihintay kami sa gilid ng mga customer na mag oorder pa. Nilingon ko ang tinutukoy niya. Hindi ako sigurado kung dito ba siya nakatingin, pero ngumiti siya nang mahagip ko. Kumaway pa siya. Iniisip ko na baka nakatingin talaga siya sa mesa na nasa harapan namin. Puro babae kasi ang mga nando'n. Baka natitipuhan niya ang isa sa mga ito. "Hindi siya dito nakatingin," sambit ko. "Sa kanila, oh..." turo ko sa mga babaeng nasa harap namin. Busy sila sa pagtatawanan. "Sa 'yo kaya!" pilit ni Fin. "Lapitan mo, te! Mas gwapo kay Papa V," asar pa niya at kinurot ang aking tagiliran. "Ano ba... hindi kaya..." tinapik ko ang kamay niyang kumurot sa akin. Humagikgik naman siya at hindi pa rin nag paawat sa pagsasalita. "Naku, te! Mas maganda ka kaya sa mga babaeng 'yan," bulong pa niya. "Tsk! Tigilan mo nga ako Delfin." Napatingin ako sa lalaking nasa counter nang bigla siyang tumayo. Hindi ko talaga alam kung saan siya nakatingin. Kung sa amin ba talaga o sa mga babaeng nasa harapan namin. Tumili pa si Fin dahil sa pagtayo ng lalaki. "Ayan na..." kantyaw niya sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang kanyang ginawa. Binaling ko na lang ang tingin ko sa ibang direksyon. Hindi naman 'yan lalapit sa amin. Hindi... "Hi, miss..." natigilan ako sa pag iisp nang magsalita ang lalaki sa tapat ko. Si Fin naman ay masyadong halata. Kinagat niya ang kanyang labi na tila ba nanggigigil sa nangyayari. Tiningnan ko na lang nag lalaking nagsalita. "Order po kayo?" tanong ko, nagbabakasakaling iyon ang pakay niya sa kanyang paglapit. Natawa siya sa aking sinabi. Lumitaw tuloy ang kanyang dimple. Maputi at pantay-pantay ang kanyang mga ngipin. Pwede siya sa commercial ng isang toothpaste. Singkit ang kanyang mga mata. Ang buhok naman niya ay kagaya ng kay Victor, magulo ito. Parang hindi sinusuklayan. "Uh, hi ulit, Miss..." sinilip niya ang nameplate ko na nadikit sa kanang dibdib ko. "Aria..." inilahad niya ang kanyang kamay. "I'm King." Tinanggap ko ang kanyang kamay. Customer siya, may patakaran kami na bawal bastusin ang bawat customer namin. Kahit na ano pang sabihin nila, o gawin nila, sila pa rin ang tama. Nagbabayad sila dito, sila ang nagpapasweldo sa amin. Nilingon ko ang katabi ko nang magbitiw kami ng kamay ni King. Wala na si Fin sa tabi ko. Hindi ko na mahagilap kung nasaan siya. Lagot sa akin ang isang 'yon mamaya. Hindi ko na namalayan ang pag alis niya. Tumabi sa akin si King. Hindi ko na siya binalingan ng tingin. Batid ko ang pagtitig niya sa akin. Sana ay may customer na um-order para makaalis na ako rito. Ayoko lang maging bastos, kaya hindi ako umaalis. "Gusto mo bang magcoffee mamaya?" tanong niya. "Hindi po, sir," iling ko, hindi pa rin siya tintingnan. Mabuti na lang at may customer nang tumawag sa akin. Napaluwag ang paghinga ko dahil makakatas na ako. "Excuse me po, sir..." paalam ko kay King bago umalis. Tumango lamang siya sa akin. Hindi ko na nakita sa loob ng bar si King hanggang sa matapos ang trabaho ko. "Hoy, Delfin! Iniwan mo ako kanina! Nakakainis ka!" reklamo ko habang binubuksan ang aking locker. "Sus! Para magka moment kayo ni Mr. Chinito," tawa niya. Napa iling na lang ako. Kinuha ko ang aking mga damit para makapagbihis na. Habang naglalakad kami palabas ay panay pa rin ang kulit sa akin ni Fin kung ano nga ba ang pinag usapan namin ni King. Wala naman akong naisagot. Hindi naman kasi talaga kami nagnusap, eh. Kaya ano ang iku-kwento ko? "Hmp! Di bale, magkikita pa kayo bukas! Na fi-feel ko..." aniya. "Ewan sa 'yo," iling ko, natatawa. "Sige na, sakay ka na!" tinulak ko siya nang may jeep na tumigil patungo sa kanila. Agad naman siyang sumakay. Kumaway pa siya sa bintana hanggang sa makaalis na ang jeep. "Kanino ka makikipagkita bukas?" napahawak ako sa aking dibdib nang may magsalita sa likuran ko. Napaikot agad ako. Bumungad na naman sa akin ang malalamig na titig niya. Ang mga mata ni Victor. "Uh... wala. Binibiro lang-" Hinawakan niya bigla ang aking braso. Sobrang higpit ng kanyang hawak. Mahina akong napadaing dahil sa sakit. "Huwag mo akong susubukan, Ria," galit niyang sabi. "Binibiro lang talaga ako ng kaibigan ko. Hindi naman ako... makikipagkita kahit kanino," depensa ko. Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking braso. Agad naman niya itong binitawan na tila ba napaso siya sa aking balat. Tinalikuran na niya ako at naglakad na palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD