Chapter 1

2515 Words
Napaupo agad ako nang maalala ang mga nangyari kagabi. Nilingon ko ang aking katabi, mahimbing ang kanyang tulog. Sinilip ko ang aking katawan mula sa ilalim ng kumot. Napapikit ako nang makitang wala akong ni isang saplot. Totoo ang mga nangyari kagabi! Hindi panaginip! Mabilis kong hinagilap ang mga damit ko. Nagbihis agad ako at umalis na sa condo ni Victor. Wala naman siguro siyang maaalala sa mga nangyari kagabi. Ang akala niya ay ako si Aaliyah. Malamang ay hindi na niya natatandaan ang mga nangyari. Ang layo pa man din ng apartment na tinitirahan ko sa building ng kanyang condominium. Kinailangan ko pang mag taxi. Hindi bale na nga, ang importante ang natakasan ko na siya bago pa siya magising. Baka ipagtabuyan lang niya ako kapag nakita niya na may katabi siya sa kanyang kama na hindi naman niya kilala. "Manong, d'yan na lang ho," sabi ko sa driver nang makadating ito sa tapat ng masikip na eskinita patungo sa apartment na tinitirahan ko. Kinapa ko ang aking bulsa, wala akong pera sa bulsa. Patay! Nasa bag ko nga pala ang wallet ko. Naiwan ko iyon sa condo ni Victor! Sa sobrang pagmamadali ko kanina ay hindi ko na 'yon naalala. "Miss, ano ba? Magbabayad ka ba?" sita ng driver sa akin ng driver nang matagalan ako sa paghahanap ng pera. Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Uhm, manong... magkano po ba?" "220., miss. Ayan oh!" iritadong sabi niya habang tinuturo ang metro.  Lumingon ako sa labas. Nakita ko si Diego na papasok sa maliit na eskinita. May buhat siyang dalawang timba na puno ng tubig sa kanyang magkabilang kamay. "Manong, saglit lang," bumaba agad ako ng taxi. Nakakahiya naman itong gagawin ko, pero bahala na nga! "Diego!" tawag ko. Agad naman siyang lumingon sa akin. "Oh, Ria!" ngiti niya. Ibinaba niya ang mga timbang hawak niya at lumapit sa akin. "Inumaga ka yata ng uwi ngayon?" nagtatakang tanong niya habang pinupunasan ang kamay siya sa tuwalyang nakasabit sa kaliwang balikat niya. "Uhm, ano eh, madaming ginawa. Tsaka rumaket pa ko," nag iwas ako ng tingin.  "Miss, ano ba? Magbabayad ka ba?" sita sa akin ng driver mula sa bintana. Nilingon naman agad ni Diego ang driver ng taxi. Kumunot ang kanyang noo. "Diego," tikhim ko. "May pera ka ba d'yan? Ano kasi, eh... pwedeng mangutang?" nahihiyang tanong ko. "Miss, ano ba!" sita na naman ng driver.                     "Manong... teka lang, ha! Kung makasigaw ka d'yan," naiinis na sumbat ni Diego. "Magkano ba 'yang singil mo sa kanya?" lumapit siya sa bintana ng driver. "220." "Ang mahal naman!" ani Diego. May hinugot siya sa bulsa ng kanyang kulay itim na maong shorts. "Ayan oh, 180 na lang! Pwede na 'yan. Discount mo na lang 'yong kuwarenta. Maganda naman ang naging pasahero mo!" inabot niya ang pera sa driver. "Ano ba naman 'yan! Umagang umaga perwisyo!" kinuha na lang niya ang pera kay Diego. "Sa susunod, miss, huwag ka nang mag taxi kung wala ka naman palang pambayad! Akong lugi sa 'yo, eh!" sermon sa akin ng driver bago siya tuluyang umalis. "Sus! Hayaan mo na yung matandang 'yon, Ria. Tara na nga," hinila na niya ako paalis ng kalsada. Binuhat niya ulit ang dalawang timbang dala niya. "Diego, salamat. Babayaran na lang kita sa sweldo ko," sabi ko habang naglalakad na kami sa loob ng maliit na eskinita. Nasa dulo pa ng eskinitang ito ang apartment na tinutuluyan ko. Nakatira sila ZDiego sa tabi ng unit ko. "Saan ka ba kasi nanggaling at bakit nagtaxi ka? Tsaka 'yong bag mo, nasaan?" sunud-sunod na tanong niya. Nasa unahan ko siya. Pawis na pawis na ang kanyang katawan. Wala kasi siyang suot na pang itaas. "Uhh, wala. Rumaket kasi ako kagabi para dagdag pera," dahilan ko. "Tapos, 'yong bag ko... hindi ko alam saan ko naiwan. Nandoon din 'yong wallet ko," wala na akong maisip na ibang dahilan. Ano naman kasi ang sasabihin ko sa kanya? Na sumama ako sa isang lalaki na hindi naman ako kilala tapos ay may nangyari sa amin? Hindi. Hindi niya pwedeng malaman iyon. "Saan ka naman rumaket? Sinong kasama mo? Tsaka paano na 'yan... wala kang allowance?" sunud-sunod na naman na tanong niya. Tumigil na kami sa paglalakad. Binuksan niya ang maliit na gate papasok ng apartment. Pinauna na niya akong pumasok. "Ewan, bahala na," sabi ko na lang. Dumiretso na ako papunta sa pinto ng aking unit. Bahala na nga. Mag iisp na lang ako kung paano ako makaka-survive sa susunod na limang araw. Hihintayin ko na lang ang sweldo namin. O kaya manghihiram na lang muna ako kay Fin. Nakakalungkot naman. Hindi na nga nababawasan ang mga utang ko, pagkatapos ay madadagdagan na naman ang mga ito. Sumasakit ang ulo ko. Sumunod sa akin si Diego. Ibinaba na niya ang mga timbang dala niya. "Pahiram kita, gusto mo? May sobra pa ako..." alok niya. Nilingon ko siya at agad na umiling. "Naku, huwag na. Ayos lang naman. Baka manghiram na lang ako kay Fin mamaya," tanggi ko. Nakakahiya naman kasi sa kanya. Alam ko naman na may mga pinagkakagastusan din siya. Siya lang ang nagpapa aral sa dalawa niyang kapatid. Pinapagamot pa niya si Aling Nita, ang Mama niya. Ang alam ko kasi, nagkasakit siya simula nang iwan sila ng Tatay ni Diego. "Ria..." iling niya. "Papahiramin kita, okay? Hindi naman kita matitiis, eh," ngiti niya. Nag iwas agad ako ng tingin sa kanyang sinabi. Nakakahiya, ayokong isipin niya na inaabuso ko ang kanyang kabaitan. "Uhm, babayaran na lang kita agad," sabi ko. Kinuha ko na ang susi ng pinto sa likuran ng bintana. Mabuti na lang pala ay iniiwan ko ito. Kung nilagay ko ito sa bag ko, baka hindi na rin ako makakapasok sa unit ko. Baka gibain pa ni Diego ang pintuan para lang makapasok ako. Perwisyo na naman ako, sigurado. "Sige," ngiti niya. "Magpahinga ka na muna. Hahatiran kita ng pagkain mamaya," muli niyang binuhat ang mga dala niyang timba at pumasok na sa kanilang unit. Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na rin sa loob. Nagbihis na muna ako pagkatapos ay agad na humiga para ipahinga ang aking isip at katawan. Bukas na lang ako hahanap bg pangalawang trabaho. Hindi na kaya ng katawan ko ngayon. Kailangan kong magpahinga. Masakit pa rin ang katawan ko. Lalo na ang pagitan ng aking mga hita. Mabuti na lang ay hindi napansin ni Diego ang paglalakad ko kanina. Pinilit ko talagang ayusin para hindi siya makahalata na may kakaiba sa akin. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking mga palad. Naalala ko na naman ang mga nangyari. Hindi tama iyon, alam ko. Sobrang mali ako. May karapatan ako para tumanggi pero hindi ko ginawa. Pakiramdam ko tuloy ay sinamantala ko ang kanyang kalasingan. Hinihiling ko na lang ngayon na sana ay hindi niya ako makilala. Lalo na, naiwan ko pa ang bag ko sa kanyang condo. Makikita niya ang ID ko doon. Malalaman niya na may kasama siya kagabi. Kahit na pagod ako, hindi ko na nagawang makatulog pa. Ang dami-dami ko kasing iniisip. Mababaliw na yata ako sa pinagpatung-patong na problema. Kung nandito lang sana si Mama at Papa, siguro ay hindi ko mararanasan ang ganito. Hindi man kami mayaman, sigurado naman ako na magiging masaya ako kapag nandito sila. Ang gusto ko lang naman kasi ay may kasama sa buhay. Nakakalungkot ng mag isa. Pagdating ng tanghali ay pinagdala na ako ng pagkain ni Diego. Hindi ko na ito tinanggihan. Bukod sa wala kasi akong pagkain dito ay gutom na rin ako. "Akong nagluto n'yan!" masayang sabi niya habang inilalagay sa mesa ang kanin at ulam na dala niya. "Talaga?" ngiti ko. Umupo na ako. Naghila na rin siya ng upuan para makaupo sa tabi ko. "Oo! Sige, kain ka na." Tumayo muna ulit ako para maghugas ng kamay. Pagbalik ko, nakatingin lang sa akin si Diego habang nakangiti. Naiilang ako sa kanyang tingin. Kumain na lang ako para maiwasan ang kanyang mga mata. "Hmm, sarap..." sabi ko nang matikman na ang niluto niyang tinola. Nakapatong ang mga siko ni Deigo sa mesa habang sinasalo naman ng kanyang palad ang kanyang pisngi. Nakangiti pa rin siya habang nakatingin sa akin. Hindi naman siya nagsasalita. Naiilang talaga ako. Binilisan ko na lang ang pagkain hanggang sa matapos na ako. Umalis na rin naman agad si Diego pagkatapos kong kumain. Inabot din niya sa akin ang perang pinapahiram niya. Titipirin ko na lang ito para may matira ako hanggang sweldo. Babayaran ko agad siya. Kinagabihan, maaga akong pumunta sa trabaho. Nagtataka nga sa akin si Kara, eh. Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi niya dahil ayokong makipag away. Hindi ko na lang pinapatulan ang kanyang mga sinasabi. "Aga mo, ah?" tanong niya. Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko na lang ang uniform ko sa locker para magbihis na. Papasok na sana ako ng CR kaso ay hinawakan niya ng mariin ang aking braso. "Hoy, Ria! Kinakausap kita. Bastos ka!" Nilingon ko lang ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Bitawan mo ko," malamig na sabi ko. "Matapang ka na? Kayo ng kaibigan matapang mo na? Aba! Gusto mong i-report kita kay boss para matanggal ka na sa trabaho?" banta niya. Nagkatinginan kami. "Okay lang," sabi ko. "Mas ayos nang matanggal sa trabaho kaysa maging sipsip," binawi ko ang braso ko sa kanya at tumungo na sa CR. Ang lakas ng loob magbanta, alam ko naman na hindi niya kayang gawin. Wala na si Kara paglabas ko ng banyo. Lumabas na lang ako para tulungan ang ibang kasamahan namin na nag aayos ng mga upuan at mesa. "Ria, tulungan na kita!" ngiti sa akin ni Billy nang makita niya akong inaayos ang mga upuan sa may counter. "Salamat..."  Mabait din itong si Billy. Isa siya sa mga kaibigan namin ni Fin dito sa trabaho. Naiinis din siya kay Kara dahil sa pagiging maldita nito. Ang totoo n'yan, si Fin at Billy ay magkalahi. Hindi lang masyadong halata ang kay Billy dahil lalaki pa rin siya kung manamit at kumilos. Hindi katulad ni Fin na naglalagay ng make up sa mukha at nagsusuot ng damit na pambabae. Paglipas ng dalawang oras ay nag umpisa nang magsidatingan ang mga tao dito sa bar. Nandito na din si Fin. Nag umpisa nang magpatugtog ang DJ ng mga musikang nakakabingi. Sa sobrang lakas nito, pati ang dibdib ko minsan ay kumakabog na rin. Nasanay na lang ako. "Oy girl, si Papa V, oh..." bulong sa akin ni Fin. Muntik ko nang mabitawan ang tray na dala ko dahil sa sinabi niya. Umikot agad ako patalikod nang makita si Victor na naghahanap ng mauupuan. Maayos siya ngayon, mukhang hindi pa siya nakainom. Dati kasi, kapag pumupunta siya rito, mukhang lasing na siya. Ngayon, maayos siya. Naka puting v-neck at faded jeans siya na may punit bandang tuhod. Ang gwapo pa niya sa buhok niya na parang hindi nasusuklayan. "Oh, ba't ka tumalikod? Iniiwasan mo?" kumunot ang noo ni Fin. "Hindi, ah!" inabot ko sa kanya ang tray na dala ko. "Sandali lang. Ikaw muna d'yan. Punta lang akong CR," paalam ko. Nang kinuha na niya ang tray ay iniwan ko na siya at nagtungo na sa CR. Mabuti na lang ay wala pang masyadong tao dito sa loob. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle. Napasandal ako sa nakasarang pinto at hinawakan ang aking dibdib. Bakit ba ako nagkakaganito? Parang lalabas ang puso ko sa aking katawan dahil sa sobrang kaba. Natatakot akong magpakita kay Victor dahil baka maalala at makilala niya ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ilang malalalim na paghinga pa ang pinakawalan ko bago lumabas ng CR. Bahala na nga. Bahala na talaga! Nilingon ko ang paligid. Walang Victor! Mabilis akong lumabas pero parang napako ang mga paa ko nang may marinig akong boses na nagsalita mula sa aking likuran. "You're here..." kasing lamig ng yelo ang kanyang boses. Kinagat ko ang aking labi. Hindi ko siya hinarap. Humakbang na lang ulit ako palayo, kaso ay mabilis niyang nahawakan ang aking braso. Hinila niya ako papasok sa CR ng mga lalaki. Ni-lock niya agad ang pinto pagkatapos ay marahas niya akong isinandal sa likuran nito. Napadaing ako nang mauntog ang aking ulo. Nagkatinginan kami ni Victor. Ang mga mata niya at tuwid na nakatingin sa akin. Nakaawang ng kaunti ang kanyang bibig. May butil ng pawis ang kanyang noo. Nag iwas ako ng tingin nang mapasulyap ako sa kulay pula niyang lanbi. Bakit ko ba iniisp ang kanyang halik? Nag mura muna siya bago tuluyang magsalita. "Umalis ka kaninang umaga... bakit? Hindi mo ako hinintay magising," gigil niyang tanong. Nakakulong ako sa magkabilang braso niya. "Sir... hindi ko po..." napalunok ako. "Hindi ko po alam ang.... sinasabi n-niyo." "Oh, damn it, Aria Villegas! Alam kong kilala mo ako at alam ko na alam mo ang mga nangyari kagabi!" napapikit ako nang sumigaw siya sa aking mukha. Natakot ako bigla. Para bang kaya niya akong saktan ano mang oras. Pinilit kong pigilan ang aking mga luha. "Naiwan mo pa ang bag mo sa condo ko. Sa tingin mo... hindi kita makikilala, huh, Aria Villegas?" "Sir..." napayuko ako, kinagat ko aking labi. "You're a virgin.. fck, Aria Villegas. Virgin ka no'ng may mangyari sa atin..." humina na ang kanyang boses ngunit may kasama pa rin itong diin. "Sir, wala naman-" "Sinong matinong babae ang gagawa ng ganu'ng bagay? Huh? Ikaw lang, Aria Villegas..." bulong niya sa aking tainga. Kinilabutan ako nang maramdaman ang init ng kanyang hininga. "Bakit? Bakit sa akin mo ibinigay?" Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang mga bagay na iyon. Naguguluhan ako. Oo, nagkamali ako na sumama ako sa kanya. Pero may mali din naman siya! Inakala niya na ako si Aaliyah! "Sir... nakita ko kayo sa kalsada. Lasing na lasing. Tinulungan ko-" Idinikit niya sa akin ang kanyang katawan. Hinarang ko ang mga kamay ko sa kanyang dibdib. May nararamdaman akong kakaiba lalo na sa bandang tiyan ko. "I don't care. Ang gusto kong malaman ay... bakit mo binigay sa akin 'yon? Bakit? Gagawin mo rin ba iyon sa ibang lalaki?" hinalikan niya ang aking tainga. "Minarkahan mo ng dugo ang bedsheet ko, Aria Villegas..." napaiwas ako dahil sa kakaibang kiliti na aking naramdaman. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Ano mang oras ay mapapaluhod na ako. "Sir..." "What do you want, huh?" bumaba ang halik niya sa aking leeg. Ang mga kamay kong nakaharang sa kanyang dibdib ay unti-unting nanghina. "Do you want me in your bed? To warm you every night, huh, Aria Villegas?" suminghap siya sa aking leeg. "Sir.... please," nalaglag na ang aking mga kamay. Hindi ko na alam kung ano pa nga ba ang sasabihin ko! Ano ba dapat? Wala na akong alam! Itim na ang lahat ng nasa utak ko. Wala na akong maisip ngayon kundi ang labi niyang tinutukso ang aking leeg. "I want you, Aria Villegas. Do you want me, too?" marahang tanong niya. Kinagat ng labi niya ang sensitibong parte ng aking leeg. "I want you... so bad. Fck, Aria Villegas, be my fck buddy... be my Aaliyah."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD