"Heto na po ang juice nyo, mam. " Kinuha naman iyon ni Nayumi at uminom ng konti. Alam ni Mariah sa mga tingin nito ay may mga binabalak na ito at hindi nga sya nagkamali. Kinuha nito ang tissue sa bag at sinadyang nilaglag sa paanan nya. "Pwede ba pakiabot?" Nakangiti pa nitong sabi na parang hindi marunong makiusap. Wala naman magawa si Mariah kundi kunin yun at kahit alam nyang iniinsulto na sya nito at minamaliit sa mga titig. Kinuha nya iyon at iaabot sa kanya ngunit hindi pa ito nakuntento at unti unti pang ibinuhos sa kanya ang juice na kanina ay iniinom nito. Hindi naman makatingin si Mariah dito dahil tinitimpi nya hanggat maaari ang galit nya. "Oops!" Pinunasan iyon ni Mariah ng kamay nya ngunit mas lalo lang nadumihan ang damit nya dahil madumi na ang kamay nya sa pagpu