"Magandang umaga po." Bati niya mula sa likuran. Napalingon ito sa kanya. "Magandang umaga din. Ang aga mo naman magising. " Tugon nito. "Hehe sanay na po ako. Siguro po ay dahil na din sa laking probinsya." Muling ngumiti ang babae. "Anu po pala ang niluluto nyo? Para po ba yan sa lahat?" Dugtong na tanung ng dalaga. "Ah oo. Bago kasi dapat magising ang senyorito ay nakakain na ang lahat. Sya kasi ang tumatao dito sa sala at kusina sa tuwing nandito sya magmula alas otso hanggang alas 10 ng umaga." pahayag nito. "Ganun po ba? E matanung ko lang po, anu po ba ang ugali ng senryorito?" "Naku iha, ang pagkakaalam ko e mataas ang standard sa lahat ng bagay, metikuluso, ayaw pinapakilaman ang mga gamit nya. Pero mabait naman. Pero sa mukha, sa halos apat na taon ko na pagtatrabaho di