"Salamat sir. Tamang-tama po at kailangan ko talaga ng financial ngayon." Para bang nagkainterest ang binata na makinig kay Mariah kaya umupo na din ito sa tabi nya. "Ma-may problema ba?" "Wala naman po saken. Kaso yung kaibigan ko kasi nangangailangan ng malaking halaga pra sa Lolo nya na nasa hospital. Nagbakasakali saken, syempre kaibigan ko yun gagawa ako ng paraan para makatulong. Ganun nmaan ang magkaibigan, nagdadamayan." "Kung sa bagay, may malaki kang punto. Swerte naman ng kaibigan mo, may ganyan kang ugali." Puri pa ng binata. "Salamat senyorito. Matutuwa sigurado ang kaibigan ko. Kilala mo sya, ibig Kong sabihin nakita mo na sya." "Ha? Kelan naman?!" "Tanda nyo yung gabing naka gown ako? Galing kami sa contest, yung babaeng kasama ko." "Ah yeah. I remembered. Yung mes