"Senyorito Alex." Muling wika ng dalaga. Agad itong napahawak sa sariling katawan dahil nakasando lamang ito at nakashort ng mga oras na iyon. Tumalikod pa ito sa binata at naglakad ng ilang hakbang. "Senyorito! Labis ko pa mandin kayong hinahangaan." At umupo pa sa kama nya at takip takip ang sariling katawan na para bang nagpapakipot. "Pero, pero senyorito..meron din akong dignidad at prinsipyo na iniingatan. Dangal na iniingatan, maniwala po kayo o hindi senyorito Alex ako po ay----" "Carmina, anu bang sinasabi mo dyan? Tutulungan mo ba ako o hindi? Si Mariah kasi. And I need your help!" Napatigil sa sinasabi si Carmina at lumapit sa binata. "Bakit sir, anu pong nangyari kay Mariah?" "Lasing na lasing sya. And I don't even know what to do?" "Ah hindi po pala ako ang sadya nyo.