Pinakuha nya iyon kay Mariah at naunang lumabas papunta sa sasakyan. Pagkabalot ng mga ito ay agad na sumunod sa binata si Mariah. Habang nagmamaneho ang binata ay pinatigil iyon ni Mariah dahil may nakita sya. "Bakit ba kasi?" "Sandali lang sir. May bibilhin lang po ako. 20 seconds." At agad na bumaba sa sasakyan. Nakita ni Alexander na pumunta ito sa isang matandang babae at may biniling kulay puting bilog. Hindi pa ito matukoy ng lalaki dahil medyo malayo ito. Bumalik din naman agad si Mariah bitbit ang binili. "What's that?" "Balut. Hindi nyo alam to?" "No. Wala ka na bang bibilhin? Aalis na tayo." May ngiti sa labing ngumiti ang dalaga. Napapatingin naman sa salamin sa una si Alexander at nakikitang natutuwa sa hawak nitong binili. Pagdating sa bahay ay pinasabit agad ni Alexan