"Sir Alex!" Nagulat pa si Alexander dahil nakahawak sa bewang si Mariah at magkasalubong ang kilay na palapit sa kanya. "Paano ako makakapag concentrate sa trabaho kung kayo mismo hindi ako pinapansin. Invisible ba ako at parang Hindi nyo ako nakikita!?" Ngunit patuloy lang sa ginagawa si Alexander at mas lalong naging abala sa pagpipindot sa laptop nya. "Senyorito! Ang hirap nyo naman suyuin!" At may paghampas na sa lamesa si Mariah at napalakas iyon, napatingin sa kanya si Alex. "What's wrong with you, Ms. Matinag? Pumasok ka sa office ko at nagsisisigaw, tapos ngayon nandito ka sa harapan ko at hinahanmpas ang table ko?" Wika ni Alex na nakahalukipkip at salubong na din ang kilay. "Pasensya na po. Anu po ba kasing problema nyo at hindi na kayo nagsalita. Tapos kagabi, maayos nama