"Good night grandma." Habol pa ni Zaquieo. "Goodnight Zack, where is Nayumi?" "Nasa loob pa po."Sigaw nito sa mula sa labas. "Couz, thanks for this wonderful night, ingat kayo." Wika ni Zack. "Mauna na kami. Pasabi nalang kay Nayumi." "No prob. Good night Mariah " pahabol pa nito sa dalaga na noon ay nasa loob na. Binigyan naman ito ni Mariah ng isang ngiti. Bumusina si Alexander sa pinsan nya bago tuluyang umalis. Kumakaway pa ito at kita ni Alexander sa kanyang side mirror. Habang nasa gitna ng byahe ay tahimik lang si Mariah at nakikiramdam kung may sasabihin si Alexander. Nakikiramdam din ang matanda sa dalawa kasi nagtataka ito na parang hindi nagiimikan. "Pakiabot nga ng tissue." Wika nito. Nakapatong sa harapan nila ang tissue, ngunit ang akala ni Mariah na sya ang aabot ay