"Alam mo, ganyan din kami nung una. Sipag-sipagan, pero nitong huli maabot ko lang quota ko okey na. Mabuti nga hindi ka ginigisa ni Mr. Montalvo. Swerte mo." "Hoy, wag mo nga syang tinatakot. No, wag mo isipin ang sinasabi nya. O pano, mauuna na kami sa iyo. Marami pa naman ang mag o ot kaya pwede kahit maya-maya ka umuwi." Mahinahon na wika ng isa. "Sige. Ingat kayo." Tugon ng dalaga. Bagot na bagot at gutom na si Mariah. Ngunit wala naman syang magagawa. Unang araw nya sa trabaho dapat at maging maayos at walang masabi ang amo nya. Lalo na at nag-iiba pala ito ng ugali pagdating sa trabaho. Kung sa bahay ay nabibiro pa nya ito, sa trabaho ay hindi. Natapos na nya ang pinagawa sa kanya, scripts at ilang mga documents. Kaya naisip nya na matulog muna saglit. At mag-aalas syete na