WEDNESDAY. Maiging hinalo ni Sybil ang nilulutong sinangag na kanin gamit ang siyansi. Iyon na lamang ang huling pagkain na lulutuin niya para sa agahan nila ni Jun. Maaga siyang nagising dahil may mahalaga siyang meeting sa isang kliyente sa araw na iyon. Hindi naman siya maaaring umalis ng bahay nang hindi nakakapaghanda ng pagkain. Baka kasi umalis si Jun nang hindi pa kumakain. Paano ito iinom ng gamot kung walang laman ang tiyan nito? She groaned. Kelan pa siya natutong mag-astang Yaya? Pero wala naman talaga siyang pagpipilian. She promised to help him. At papanindigan niya iyon. Nang matapos siyang magluto ay inihanda na niya ang mesa. Bukod sa tocino, sausage,pritong itlog at ginisang kanin, mayroon ding samutsaring prutas at isang pitsel ng orange juice. Napatitig siya sa buo