EXCITED na tinungo ni Estelle ang pintuan, matapos marinig ang pagpasok ng sasakyan. Naiinis siya kay Kurt dahil hindi siya nito sinasama sa opisina nito. Hinahayaan nitong si Amelia ang umaagapay na dapat ay siya. At kahit na anong sabi nito na walang namamagitan sa mga ito, hindi niya mapigilang makaramdam ng selos. “Dahan-dahan naman, Estelle! Sa akin magagalit si Kurt kapag nalaman niyang tumakbo ka na naman para salubungin siya!” sigaw ni Manang nang makita siya. Nilingon niya ito at nginitian. “Ayos lang po ako, Manang!” “Kahit na! Makikita na naman niya sa camera kapag nag-review siya.” Oo, pagkauwi na pagkauwi ni Kurt, haharap ito kaagad sa laptop nito para i-check ang mga ginagawa niya maghapon. Kahit na tumatawag kasi ito para kumustahin siya, nagre-review pa rin ito. Sakt