“ESTELLE!” malakas na sigaw ang nagpapigil sa pagtulak kay Estelle. Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Napangiti sya mamh makita ang Kuya Esper niya. Kita niya rin ang pag-alis nito nang mabilis sa likod ni Kurt at pumuwesto ss harapan niya. Mabilis din nitong pinalis ang kamay niyang nakahawak sa sirang seradura at sinara ulit iyon. Pero hindi na niya pinagtuonan iyon nang pansin, niyakap niya ito nang mahigpit. “K-kumusta ka?” Naramdaman ni Estelle ang paghagod ng kapatid ss likuran niya. “Ayos lang ako, Kuya. Ikaw, kumusta ka? Na-miss din kita.” Pumatak ang luha sa mata ni Estelle matapos sabihin ang huling pangungusap. Kakabit nang pagka-miss ng dalaga sa ina ang pagka-miss niya sa kapatid. Wala naman ngang ibang magkukumustahan kung hindi sila lang. Nagmulat ng mata si