Chapter 28: Furious

2102 Words

“AMELIA!” tawag ni Esmtelle dito. Palabas na ito ng pintuan. Minadali niyang tawagin ito habang nasa loob ng banyo si Kurt. “Oh. Hi, Estelle!” Nakangiti ito nang lingunin siya. Pero wala siya sa mood, kaya seryoso lang siya hanggang sa lumapit dito. Hindi lang niya mahagilap ang ngiti kasi. Sa daming nakakagulat na pangyayari na nangyari sa kanya, hindi niya mahagilap sa sarili. “P-pwede ka bang makausap?” “Sure. Basta ikaw. Tungkol ba saan?” Pinakalma muna ni Estelle ang sarili bago nagsalita. “Sana maging honest ka sa akin. Maliban sa pagiging sekretarya ni Kurt, ano pa ba ang relasyon niyong dalawa? Y-yong totoo.” Napataas ng kilay si Amelia. Tinitigan din siya nito nang matagal. “Oh, poor, Estelle.” Lunok ang ginawa ni Estelle matapos nitong sabihin iyon. “What do you think?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD