“PANGALAN?” “Estelle Aguilar ho,” sagot ni Estelle sa nag-a-assist sa kanila na nurse. Nasa isang lying-in clinic siya ngayon ni Dra. Ibasco. Simula nang mawalan siya ng bahay, sinikap niyang makahanap ng paraan para sa panganganak. Nakikitira siya ngayon sa kapitbahay niyang matandang babae. Pumayag ito na tumira siya kapalit nang pagbabantay niya sa tindahan nito ng libre sa umaga. Kaya sa gabi siya naglalabada. At nakilala niya si Dra. Rye Ibasco. Ilang beses na siyang naglalabada rito. Nang malaman na isang Ob-Gyne nito ay nakipagkasundo siya rito tungkol sa panganganak niya. Pumayag naman ito kapalid nang paglalabad at paglilinis niya ng bahay nito hanggang sa matapos ang bayarin. Malaking tulong na ang mga salita nito kaya nagpatuloy siya. “Ngayon din ang due mo?” “Oho. Masakit