DAHIL sa pagpaulan at paglalakad nang malayo, inapoy ng lagnat si Estelle. Malapit na rin siyang masikatan ng araw sa daan kaya baka lalong lumala lamang ito. Kapag hindi niya pinagpahinga ang sarili Naligaw-ligaw na rin siya kakahanap ng terminal papuntang Maynila. Wala rin siyang makitang taxi dahil wala naman sila sa siyudad. Simula nang maupo si Kurt sa wheelchair, sa Bulacan na ito nanirahan, malayo sa ingay at sa mga taong mapanghusga. Kaya kung pupunta man sa bahay nito, dapat may sasakyan na dala. Malayo rin kasi ang terminal dito. Dahil sobrang aga pa, hindi wala pang bumibiyahe na trickle at halos wala siyang nakitang tao sa daan, tanging mga sasakyan na paroo’t-parito lang. Pero ang totoo niyan, ang isa sa naging rason din bakit siya nilagnat dahil sa nararamdaman sa pagitan n