Chapter 1: Leave us alone

1609 Words
“E-ESPER, ikaw na ang bahala kay Estelle. P-pakaingatan at alagaan mo siya, huh?” Tumingin pa kay Esper ang ina. Hilam ang luha ng Kuya niyang si Esper habang tumatango sa ina niya. Minuto na lang yata ang itatagal ng ina sa mundong ito kaya ang luha ng dalagitang si Estelle ay patuloy pa rin sa pag-agos. Parang wala na ngang balak na tumigil pa. Ang mata niya ay namamaga na rin. Lumakas ang iyak ng dalagita nang tumunog na ang aparato, hudyat na tuluyan nang namaalam ang kanyang ina. Ang pagpadyak ng paa at iyak niya ang pumuno sa silid na iyon. At hindi niya alam kung ilang minuto siyang ganoon, basta namalayan na lang ni Estelle na kinabig siya ng Kuya Esper niya para yakapin. Inalo siya nito na siyang saktong dating ng doctor at nurse. Umiiyak pa rin si Estelle sa waiting area habang inaasikaso ng kapatid ang bangkay ng ina. Basta binalikan lang siya nito nang sabihing nandyan na ang maghahatid sa kanila sa bahay. Tatlong araw lang na tumagal ang burol dahil wala naman na silang ini-expect na bisita. Nag-iisang anak lang ang ina nila at hindi rin nila namulatan ang mga kamag-anak nito. Gaya sa ospital, naging malakas ang pag-iyak niya nang ihatid ang ina sa huling hantungan. Habang buhay na niyang hindi makikita ang ina. Ang tanging tao na nag-aasikaso sa kanya. “Bukas, sasama ka sa akin sa trabaho. Kahit sa mga susunod na araw. Hindi kita pwedeng iwan dito,” ani ng kapatid na noo’y nagbubukas ng pintuan ng inuupahan nila. Nagsiuwian na ang mga kapitbahay nila na nakilibing. Sa maliit na court na malapit sa kanila lang ibinurol ang ina nila kaya walang bakas ang bahay nila na namatayan. Saka sobrang sikip. “M-magtatrabaho na po ako, Kuya?” tanong ng labing-walong taong gulang na si Estelle. Umiling ang Kuya niya. “Isasama kita dahil kabilin-bilinan ng Nanay na ‘wag kang iwanan mag-isa rito.” Naalala niya nang minsan iwan siya ng ina rito sa bahay nila, may kapitbahay silang pumasok sa bahay nila at kamuntikan na siyang mahalay. Nahipuan na rin siya nito. Kaya naintindihan niya kung bakit na naibilin iyon ng ina niya sa kapatid na ‘wag siyang iwan. “Ayaw pa kitang pagtrabahuhin dahil kaya ko pa naman. Malaki naman ang kinikita ko sa pagmamasahe.” Oo, isang masahista ang Kuya niya. Ang daming kliyente nito kaya bihira niyang makita ito noon. Pero lagi naman itong nagbibigay ng gastusin nila. Tapos naman na siya sa High School. Pero hindi na siya nakapag-kolehiyo dahil sa walang sapat na pera. Saka walang kasama ang Nanay niya, kaya inaalagaan niya ito habang ang Kuya naman niya ang bumubuhay sa kanilanh mag-ina. GAYA nang sinabi ng Kuya niya, mula Maynila, bumiyahe sila hanggang Bulacan lulan ng pamapasaherong jeep. Ang sabi ng Kuya niya, talagang malayo ang mga kliyente nito. Pagbaba sa tapat ng subdibisyon ay pumasok sila, kilala na ang Kuya niya kaya hindi sila nahirapan pumasok. Halatang maganda ang pamamalakad sa loob ng subdibisyon dahil mahigpit. Talagang pinag-log pa ng guard ang pagkakilanlan niya at hinarap sa tapat ng CCTV camera nito. Ganoon daw talaga sabi ng Kuya niya para mabigyan siya nito ng temporary gatepass. Mayayaman daw kasi ang nakatira dito Anim na kanto bago sila lumiko. At pangalawang bahay mula kaliwa ang hinintuan nila. Malaki at magara iyon kaya hindi niya maiwasang mamangha. Maraming matataas na building at magagandang bahay sa Maynila, pero hindi kasingganda nito. Malawak ang bakuran at napakataas na gate pa. Kaya nga sinunadan pa niya iyon nang tingin. Pero binaba din niya dahil sa sikat ng araw. Pasado alas nuebe na ng umaga noon. “Ikaw pala, Esper. Dumiretso ka na lang daw sa silid ni Ma’am,” ani ng kasambahay nang salubungin sila. Tumingin sa kanya ang kasambahay. “Ito ba ang kapatid mo na sinasabi ni Ma’am?” “Oho, Manang. Saan kaya siya pwedeng maghintay?” Saglit na natigilan ang kasambahay. “Hindi pwede sa garden dahil doon lagi tumatambay si Sir at ang nurse niya, e.” “Ganoon ba,” ani ng Kuya niya. “Sa may pool na lang kaya? Magpapalagay na lang ako ng upuan doon na komportableng pag-uupuan niya.” “Sige ho, Manang. Salamat.” Iginiya siya ng kasambahay sa sinasabi nitong pool. Pinapuwesto siya ng kasambahay sa may hindi naiinitan. Binigyan siya nito ng upuan na plastic na may sandalan. Hindi raw pwede sa kanya ang stool dahil baka mangalay siya kakahintay sa kapatid. Sa tantiya ni Estelle, dalawang oras na ang itinagal niya sa bahaging iyon. Nagpasya siyang maglakad-lakad hanggang sa mapunta malapit sa garden. Natigilan siya nang makita ang paparating na babaeng nakasuot ng uniporme na pang-nurse, tulak-tulak nito ang wheelchair. At doon, nakaupo ang may magandang pangangatawan ng lalaki. Hindi niya pa masyadong makita ang mukha dahil nakayuko ito. Nakasuot ito ng white shirt at navy blue na jogger pants. Nang huminto ang nurse sa tapat ng namumulaklak na mga halaman, saka lang nagtaas nang tingin ang lalaki. Napaawang siya ng labi nang makita kung gaano ito kagwapo. Kaso, walang emosyon na makikita sa mukha nito. Pero hindi iyon kabawasan ng pagiging magandang lalaki nito. Napatingin siya sa paa nitong nakabalot ng plaster. Baka dahil sa kapansanan nito kaya ganoon ang emosyon nito. Pero hindi naman siguro ito baldado, ano? Iyon ang akala ni Estelle. Nang sumunod na punta nila, nakita niya ulit ito kasama ang nurse nito. Gaya niya, apat na oras din itong tumambay doon, kahit nang sumunod na punta ulit nilang magkapatid. “Estelle, doon ka na lang muna sa bench maupo. Ginamit ni Jose ang upuan mo kahapon, ayon nasira, nabagsakan ng mabigat, nasira. Doon lang kasi ang may sandalan.” Sa narinig, tumango siya sa kasambahay. Tumingin siya sa kapatid na papasok na sa loob ng bahay. Natigilan si Estelle at nilingon ang kasambahay. “‘Di ba po, nandoon ang Sir niyo po?” “Oo. Pero sinabihan ko na ang nurse niya. ‘Wag ka lang daw maingay sa kinauupuan mo.” “Sige po.” Pagdating sa garden, nakita niya agad ang bench na tinutukoy ng kasambahay. Agad siyang umupo doon. Mabuti na lang at wala pa doon ang amo nito. Inilabas ni Estelle ang babasahing libro mula sa kanyang bag. Wala naman siyang pagkakaabalahan kaya pumayag ang kapatid na magdala siya ng librong babasahin sa tuwing pupunta sila sa mga kliyente nito. Hindi pa man siya matagal nakakaupo doon nang dumating ang nurse at ang amo nito. Hindi siya nagtaas ng nang tingin dahil hindi niya alam ang sasabihin. Nakahinga siya nang maluwag nang lagpasan siya ng mga ito. Pero hindi nakaligtas sa pang-amoy ni Estelle ang mabangong amoy na nagmumula sa sabong gamit ng lalaking naka-wheelchair. Sinundan niya nang tanaw ang mga ito. As usual, huminto ang mga ito sa tapat ng mga halamang iyon. Ibinalik na rin ni Estelle ang tingin sa binabasa. Sa tingin niya, nakakalahating oras na siya sa upuan nang may tumabi sa kanya— ang nurse na tumutulak sa wheelchair ng gwapong iyon. “Ikaw pala ang kapatid ni Esper. Anong pangalan mo?” tanong nito sa dalaga. “Ah— eh, Estelle po,” aniya. “Estelle,” ulit nito. “Ilang taon ka na? Hindi ka ba nag-aaral? Lagi kang kasama ng Kuya mo, e.” Alanganing ngumiti si Estelle. “Hindi po. Wala po kaming pera pangtustos. Saka hindi po ako maiwan-iwan ni Kuya dahil ibinilin po ako ni Nanay sa kanya.” Ang dami pa nilang napagkuwentuhan ng nurse. Nakuwento na nga niya ang buhay nila. “Matagal ka na pong nurse ni Sir?” Tumango ang babae sa kanya nang ibahin niya ang usapan. “Pero baka magpapaalam ako sa kanya kapag natanggap ako sa inaplayan ko online.” “Ay,” wala sa sariling sabi niya. Nakaramdam siya ng awa tuloy. Sino na ang magbabantay dito? Sabagay, mayaman naman ito kaya makakahanap agad ito ng nurse. “Bakit ka po aalis? Mukhang mabait naman po siya.” “Oo, mabait naman kasi hindi gaanong nagsasalita. Saka malaki rin ang sahod. Kaso matagal ko nang pangarap ang mangibang bansa.” Akmang sasagot si Estelle nang lingunin sila ng amo nito. “Mukhang kailangan na ako ni Sir Kurt.” Tumayo si Lala at nilapitan ang amo nito. Kurt pala ang pangalan ng amo nito. Tumingin sa kanya ang boss ni Lala pagkuwa’y pinatulak nito ang wheelchair. Saka lang niya napagtantong oras na para umalis ito. Pero nakakapagtaka dahil apat na oras itong nakaupo doon habang nakatingin sa mga bulaklak? Hindi raw matutuloy si Lala dahil scam pala ang agency na inaplayan nito. Nakaramdam siya nang awa para rito. Kaya tumagal pa ito sa bahay na iyon. Sa kabilang banda, natutuwa siya dahil ito ang kausap niya na umabot pang dalawang taon. Sa isang linggo, kung hindi dalawa, tatlong beses na bumabalik sila ng Kuya niya sa bahay ng mga Guzman. Nakasanayan na niya iyon. At sa loob ng dalawang taon, ganoon ang set-up nila. Silang dalawa ni Lala at mag-isang nagmumumuni-muni sa harap ng mga halaman ang amo nito. Pero isang araw nagulat si Estelle nang bigla siyang hilahin ni Lala palapit sa boss nito. “Nandito na po siya, Sir.” Kinabahan si Estelle nang bumaling ito sa kanila, laumanding ang tingin nito sa kanya na ikinayuko niya. “Iwan mo muna kami.” Napaangat nang tingin si Estelle nang marinig ang baritonong boses ni Kurt. Sa loob ng dalawang taon, never niyang narinig ang boses nito! Kasi kung kakausapin nito si Lala ay pabulong. Kaya naman nagulat siya sa boses na lumabas sa bibig nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD