Prologue

1229 Words
KABADONG tinulak ni Kurt ang pintuan ng condo unit na iyon na pinasukan ng asawa. Ang totoo niyan, maghapon niyang sinundan ang asawa. Mula sa airport ay dumiretso siya sa kinaroroonan nito. Hindi nito alam na dumating na siya. At sa ilang oras na pag-shopping, ngayon lang ito tumungo sa building na ito kung kailan padilim na. Pakiramdam ni Kurt habang humahakbang siya papasok, may pumupukpok sa dibdib niya. Two months siyang nasa abroad dahil sa problema ng kanilang branch. Napilitan siyang personal na ayusin iyon dahil hindi kaya ng mga naatasan niya. Pero hindi niya akalaing kompirmado ang balitang nakarating sa kanya noon. Kaya agad siyang lumipad pabalik ng Pilipinas. 7 years na magkarelasyon sila ng asawa bago niya ito inalok ng kasal, ngayong taon lang. For Kurt, sigurado na siya na ang asawa niya ang gusto niyang makasama hanggang sa pagtanda. Pero may nakarating sa kanya nabalita tungkol sa kanyang asawa, at saktong paalis na siya noon. Naka-schedule na ang pag-alis niya kaya hindi niya pwedeng i-cancel. Saka kapag hindi niya naagapan, malaki ang mawawala sa kumpanya. Ang branch nila sa New York ang isa sa may malaking income na pumapasok. Dahil may solid na ebidensya mula sa kaibigan niya, napilitan siyang bumalik na nga. Originally, ang branch sa New York ang main branch niya na inilipat niya ng Pilipinas after three years. Sa NY branch na iyon unang nilalagak ang mga produkto nila mula sa vineyard. Nabili naman ni Kurt ang vineyard na iyon after graduation. Pag-aari iyon ng pamilya ng kaibigang si Henry. Pero napilitang ibenta dahil sa pinansyal at talagang palugi na noon. Saktong nag-iisip siya ng business na sisimulan since ayaw niyang sumunod sa yapak ng ama na isa namang CEO ng isang kumpanya na may tinatagong isang illegal pasugalan sa bansa. Wala doon ang puso niya. Saka mas gusto niyang magsimula sa baba. At ginamit nga niya ang namana niyang pera sa yumaong ina. Winery ang line ng business ni Kurt na kalaunan ay restaurant at winery bars na. At sa New York niya nakilala ang asawa na noo’y customer nila. Kaya hindi niya kayang mawala ang branch din na iyon. Na-love at first sight siya rito kaya pinursue niya ang asawa hanggang sa maging sila na umabot ng pitong taon. At nito ngang taon, ikinasal sila sa pinakamalaking simbahan dito sa Maynila. Pero parang hindi napanindigan ng asawa ang sinabi nitong vow sa harap ng mga dumalo at sa pari, lalo na sa kanya. Natigilan sa paghakbang si Kurt nang marinig ang sunod-sunod na ungol. Napamura din siya kasabay nang pagkuyom nang kamao niya. Pero bago pa man siya makalapit sa sofa, nakita na niya ang asawa na nakabaliktad. Ang ulo nito ay nasa sahig habang ang kalahating katawan nito ay nasa square sofa stool nakaupo. Nakapikit ito at kumakawala ang masarap na ungol habang nasa loob ng dress nito ang isang ulo na maingay naglilikha rin nang ingay na sinusundan nito nang ungol. Hindi tanga si Kurt. Ilang beses na ba nilang nagawa iyan mag-asawa? Marami! Lahat ng posisyon na ay nagawa na nila kaya alam niya kung ano ang ginagawa ng ulo na iyon sa loob. At halata ang sobrang pleasure na nararamdaman ng asawa. “B-babe,” nauutal niyang sambit. Nagsimula nang manginig ang kalamnan niya. Pakiramdam niya nagta-transform siya ng mga sandaling iyon. Parang may mga lumabas sa katawan niya. Huling naramdaman niya ito nang makita rin ang ina na may iba ring katalik sa loob mismo ng master’s bedroom.. Napamulat bigla ang asawa ni Kurt nang marinig ang boses niya. Nanlaki pa ang mata nito at nagmadaling inayos ang sarili para harapin siya. Wala na sa ayos ang string ng damit nito. Kita na ang bahagi ng kaliwang dibdib nito. “K-Kurt,” ani ng asawa nang tuluyang makatayo. “P-paano mo nagawa ito, babe? I-I thought sapat ang pagmamahal at mga pagpapaligaya ko sa ‘yo. Lahat naman din nang pangangailangan mo binigay ko. Pera, status. Pero bakit ganito ang iginanti mo? Huh?” “I-I’m sorry,” ani ng asawa. “Sorry?” Mapakla na ang tono niya ng mga sandaling iyon. “How dare you! I don’t deserve this kind of treatment!” Dinuro pa ni Kurt ang asawa. Wala na siya sa sarili dahil sa nadatnan. Nang mga sandaling iyon, hindi alam ni Kurt na nabuhay muli ang pagkamuhi at poot sa dibdib niya para sa mga babaeng cheater. Hindi niya akalaing ang asawa niya ang bubuhay no’n. Malamang na mag-iiwan ito nang marka sa kanya. Akmang lalapit siya nang itaas ng asawa ang kamay. “Stop there, Kurt.” Kasabay niyon ang paglaki ng mata nito. Nagbaba rin ito nang tingin. “Dalawang buwan lang akong nawala naghanap ka na? Why?” Puno nang hinanakit ang himig niya ng mga sandaling iyon. Nakataas din ang sulok ng labi niya pero hindi masasabing ngiti iyon. Hindi nakasagot ang asawa. Tumingin si Kurt sa lalaking nakayuko at nakatalikod. Hindi niya makita ang mukha nito. Kita ni Kurt ang pagpasok ng lalaking sa loob mismo ng dress ng asawa. Lalong tumindi ang galit niya dahil inutos iyon mismo ng asawa. Mukhang ayaw nitong makita niya ang mukha ng kalaguyo nito. Inayos pa ng asawa ang tayo. Proud pa itong tumingin sa kanya. “I’m sorry, Kurt. Pero kailangan mong malaman na hindi na ako masaya sa pagsasama natin. Hindi na kita mahal, Kurt.” Parang may bumara sa lalamunan ng asawa kaya huminto ito. “‘D-di ba, sabi mo, kapag hindi na ako masaya, sabihin ko lang? At eto na, nasabi ko na sa wakas.” Tumaas ang kilay ni Kurt. Ang bilis nitong sabihin iyon. Para bang wala lang sa asawa ang pinagdaanan nila ng pitong taon. “Wow. I can’t believe na sasabihin mo ‘yan.” Tumingin siya sa lalaki nito. “Dahil ba sa kanya?” “Yes, Kurt. So please, umalis ka na. Hindi na kita mahal. Hindi na, Kurt. Kaya sana pakawalan mo na ako.” Habang sinasabi ng asawa iyon, pakiramdam niya, sinasaksak siya nito ang mismong puso niya. Sinundan pa nito ulit nang masasakit na salita kaya parang nakabaon na siya sa lupa. Hindi niya namalayan ang sariling na tinatampal ang dibdib. Basta ang nararamdaman niya noon, naninikip ang dibdib niya. Napaatras siya hanggang sa namalayan niyang nakalabas siya ng unit na iyon. Ni hindi nga niya narinig ang pagsara ng asawa sa pintuan na iyon. Nakarating din si Kurt sa labas ng building na iyon na walang kamalay-malay. Nakarating din siya sa kalsada na nag-cause nang traffic. Napatigil lang si Kurt nang marinig ang tunog ng sasakyan na parang nagpreno. Napalingon pa siya sa bahaging iyon ng kanto na pinanggalingan nang tunog. Pero muling umandar ang sasakyan. May naririnig na siyang sumisigaw na umalis siya pero binalewala niya. Wala nga siya sa katinuan nang mga sandaling iyon, hanggang sa tuluyan nang banggain siya ng sasakyan na iyon. At doon, muli niyang naramdaman ang sakit— kakaibang sakit naman. Samantala, shocked ang mag-inang nakasaksi sa pagbangga ng sasakyan na iyon sa lalaki. Pero mabilis na bumalik sa kamalayan ang dalawa nang makitang mukhang aatrasan pa ng sasakyan ang lalaking sinagasaan. Nagkatinginan ang mag-ina at mabilis na hinila ang lalaking duguan at walang malay sa gutter. Saktong umalingawngaw na noon ang tunog na galing mobile ng police kaya mabilis na minaniobra ng driver ang sasakyan papalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD