“Kurt, my friend! I thought you wouldn't show up!” anang lalaki na lumapit sa kanila. Sa tingin niya, kaedaran lang ito ni Kurt. At hindi rin ito magpapatalo sa gandang lalaki. Napaatras si Estelle para hindi mapansin ng lalaki. Hindi naman siya dapat nandito dahil wala siyang kakilala. Magiging katawatawa lang siya kapag pinakilala ni Kurt dito. “I’m sorry, Charles. There was a traffic jam that delayed us,” nakangiting sabi ni Kurt. Bahagyang sumulyap sa kanya si Kurt. “Us? Are you with her? Where is she? Where is Nica? I miss her, man! C’mon!” Luminga-linga pa ang Charles na tinawag ni Kurt at hinanap si Nica. Napakapa si Estelle sa dibdib nang marinig ang pangalan ng asawa ni Kurt. Wala naman siyang karapatan na masaktan pero iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Nilin