Chapter 30: Hypocrisy and lies

2004 Words

PAKIRAMDAM ni Estelle, ang tagal matapos ang gabing iyon. Hindi siya makatulog. Pero ayaw niyang makita ang pagbukang-liwayway. Hindi niya gustong sumama kay Kurt dahil malayong lugar na iyon. Wala siyang kakilala. Paano kung iwan siya nito doon para lang sa paghihiganti? Gustong sumigaw ni Estelle ng mga sandaling iyon sa sobrang inis pero hindi niya magawa. Baka biglang pumasok si Kurt. Ayaw niya pa naman na makita ito ngayon. Simula nang makita ang galit nito kanina, natakot siyang tumingin sa mga mata nito. Nagawa niyang saktan si Joshua at nagawa rin nitong ihagis ang vase na iyon sa harapan nila ni Amelia. Para bang may ibang bagay pa ito na kayang gawin. At doon siya natatakot. Iritadong nagmulay si Estelle ng mata kinabukasan. Sunod-sunod na katok ang gumising sa kanya. Late na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD