CHAPTER 3

1166 Words
Untruthful Testimony Chapter 3 Justin A minutes later. “Sir, wag matigas ang ulo. Marami pa po akong customer. If gusto niyo po. Sa labas after an hour. Haharapin ko po kayo. But now I need to work. Magtrabaho muna po ako at baka mahuli ako ng manager ko masisante pa ako ng dahil sa 'yo." “Okay, see you later." titig niyang bigkas. Tinitigan niya pa ako ng ilang minuto. Malagkit ang titig niya na ikinanghina ng tuhod ko. Napalunok. Malamig niyang bulong. “Baby, I miss you." may kasama na damping halik sa pisngi ko ng bumulong ito sa may tenga ko ng lumapit ito para lang ilapit ang mukha nito. Saka ayon. Bumulong. Naramdaman ko ang init ng hininga nito. Pumasok sa loob ng tenga ko. Dumampi sa balat ng leeg ko at naamoy ang mabango niyang hininga na mukhang kakamouthwash lang. Napa-tulala na naman ako. Umalis siya ng hindi nawawala ang ngiti sa gwapo niyang mukha. Pinagtatawanan niya ako dahil sa naiwan akong walang kibo. Hindi nakasagot sa kanya. “Hoy! Dalagang kinikilig, baka gusto mo muna ayusin ang trabaho mo? Mga customer mo. Tingnan mo mga itsura." napatigil ako sa ka-kasunod ng tingin sa boyfriend ko. Napalingon ako at sinundan ko ang sinasabi ng kasama ko. Oo nga, mga nakasimangot na ang ilan sa mga customer ko sa pila. Habang ang ilang mga may pagtataka sa mukha, ilan may inis na makikita. Habang ang ilan naman nakikita ko ang pakikisama nila sa kilig moment ko. Ang saya naman. Natuwa pa! “Miss, paki punch mo nga itong isa na 'to if magkano." utos ng may lumapit na isang customer at bulabugin ako— ang moment ko habang nag-patuloy na ako sa pagpunch ng mga items na nasa harapan ko. Pero inuna ko muna ang pakiusap nung customer. “One thirty four pOh!" magalang kong sabi sa kanya. May ngiti. “Sige, paki nalang babayaran ko na!" katawan ito. Gusto lang pala sumingit sa pila. Nailing ko na lang ang ulo ko, nakakunot ang noo ko na hinayaan na lang. Total, isa lang naman ang item niya at napunch ko na rin naman iyon. Alangan naman na papilahin ko pa, kahit ang ilan sa mga customer na nakapila sa counter ko ay mga napabuntong hininga. Wala na rin naman magagawa at napunch ko na— napindot ko na rin ang cash box ko upang kumuha ng change sa isang libo na inabot ng customer. Buo pa yung pera. Mas tumagal pa tuloy kaming dalawa. Sayang ang oras. Ang minuto na itinagal naming dalawa habang nagbibilangan kami ng ilang beses. Dahil ang gusto nito. Barya ang i-sukli ko sa isang daang piso. At mamiso naman na barya para sa isa pang isang daan. Humirit pa ulit ito. Tig bebente raw sa limang daan at ang natira. Gusto niya tig sikwenta. Sumakit ang ulo ko. Lalo na at may mga customer sa pila ang umapila at umangal. Kaya lang nakuha pa nitong customer na 'toh ang makipagtalo sa mga nauna sa kanya. I took a deep breath. Ma-loloka ako. Talagang sumakit at pinasakit nito ang ulo ko. “Pasensya na po." humingi na naman ako ng mga pasensya sa mga customer. Ilang customer ang mga naririnig ko na bumubulong. Ilan ang galit na talaga. Ilan sa kanila mga walang kibo kahit tanungin ko o kausapin. Para akong tanga habang inisa-isa ko lahat sila na mga nakapila. Habang tahimik nalang ako habang focus sa pagpunch ng mga items sa computer. Hindi ko na sila kinausap. Pwera nalang if need ko o sasabihin ko para ipahayag sa kanila kung magkano ang nabili nila. Ang saklap. Sa hirap ng pamumuhay namin ng pamilya ko. Sa ganitong trabaho lang ako bumagsak. Kung sana nakapagtapos sana ako eh! Kaya lang anong gagawin ko kung hindi talaga para sa akin ang makapag tapos ng pag-aaral. Kung talagang sa ganito lang ako— pero sana wag naman. Isa nalang talaga ang pag-asa ko. Ang magpakasal ang lalaking mahal ko sa akin at ayain niya ako pakasal sa kanya. Siguro sa bagay na yon. Baka sakali na mag-iba ang antas ng buhay ko. Baka sakali na maiahon ko sa hirap ang pamilya ko. Pero— ayaw ko umasa. Lalo na hindi ko alam if seryoso ba talaga siya sa akin, o talagang pinakikilig niya lang ako— dahil alam niyang patay na patay ako sa kanya at mahal ko siya. “Miss, baka pwede na mag focus ka nalang muna sa pagpunch ng mga pinamili namin. Kangina ka pa. Isang oras na ata kami nakatayo, at nakapila dito." masungit na pahayag pagrereklamo ng isa sa mga customer. Lumapit ito sa harapan. Saka niya ako pinagsabihan. “Kung wala ka sa sarili mo. Mabuti pang sabihin mo nalang sa boss mo na palitan ka nalang. Kanina ka pa naglalakad sa kung saan ang utak mo. Pati kaming mga nakapila ng maayos nadadamay at naistorbo mo." galit. Kinabahan tuloy ako agad. Mabigat ang kamay ko na inisa-isa ulit ang pagpunch ng mga items. Hindi na ako makatingin sa mga customer. Natatakot ako na baka ang isa sa mga ito ay lumapit nga sa manager ko. Masungit pa naman yon. Baka malintikan ako tuluyan na niya ako sisantehin. Nakiusap lang naman ako sa kanya nung nakaraan na buwan. Grabe pakiusap ko. Dahil sa isang customer na nagreklamo dahil sa namali ako ng punch. Kahit tama naman ako. Mali raw ang presyo. Pero nakailang ulit kami ng punch yun talaga ang lumalabas na price. Bwisit na yon. Mang gogoyo pala. Muntik na ako mabiktima buti sinabi ng kasama ko. Kundi talaga! Malaki rin ang maaaring maikaltas ng store sa sahod ko. Maliit na nga, makaltasan pa ng limang libo. Naalala ko mamahalin na alak yon. Dahil sa mahal ay nagawa ng customer na palitan ang presyo. Kaya nga lang malas niya dahil sa napansin ko ang kakaibang pagkakadikit ng tag price. Kaya inalis ko yon. Nang umalis siya napunch ko na yung alak. Hindi napansin ng customer ang ginawa ko. Kaya sa pagbalik niya. Galit na galit sa akin ng magbabayad na siya. Hindi ko pa naman pamilyar yung alak kasi nga ay new items sa store. Saka di ako informed. Ewan ko ba sa mga nag-aakikaso at nagpasok ng mga new item. Hindi man lang sila mga nagbigay ng signal o warning para sa mga expensive na products. Uso pa naman ang tulad ng g*ago na customer na yon. “Five hundred sixty eight pesos po lahat, Ma'am! I received one thousand pesos." bigkas ko ng abutan ako ng walang salita ng customer ng one thousand pesos. Bumukas ang cash box ko. Kumuha ako ng panukli sa pera niya. Nagbibilang ako ng pera na panukli. Wag lang talaga ako magkamali sa aking panunukli sa customer. Minsan na rin ako nagkamali. Kaya ayaw ko na maulit ang macharged ako, nang sunod-sunod na tig limandaang piso at pinakamalaki na nga ay yung isang libo nung isang taon. Hanep na buhay. Hindi maubos-ubos ang aking kamalasan. I sigh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD