"MOM, who's here?" Hindi makagalaw si Tallulah sa pagkakatayo niya habang nasa harap niya ang nag-iisang binatang minahal niya ng labis. Ang ama ng anak niya at ang lalaking nang-iwan sa kanilang dalawa pero imbis na galit ang naramdaman niya, awa para sa binata dahil sa kalagayan nito. Hindi pa rin siya makapaniwalang nasa harap na niya si Gael matapos ang pitong taong lumipas. Naramdaman ulit niya ang sakit na parang kahapon lang lahat ng iyon. Pero bakit may saya at pananabik siyang nakapa nang marinig ang boses nito? "Hija, are you ok?" pukaw ni Donna sa kaniya. Napapitlag siya. Agad niyang pinahid ang luha sa kaniyang mga pisngi. Bahagya siyang tumingala. Kinalma niya ang sari bago iwas na bumaling sa ginang. Ngumiti siya. "O-ok lang po ako, Madam," sagot niya na nakapukaw ng at