TAHIMIK na tumingin si Tallulah sa isang malaking bahay sa tapat niya kung saan siya magtatrabaho bilang isang tagapag-alaga ng bilyonaryong lalaki. Ayon sa agency, bulag ito at kailangan ng mag-aalaga dahil kauuwi lang nito sa Pilipinas, pero bukod doon, wala na siyang alam sa pagsisilbihan niya. Hindi niya alam pero kinakabahan siya sa bagong trabaho niya. Kaya ba niya ang pag-aalaga sa isang bulag na lalaki? Humugot siya nang malalim na hininga bago nagpasiyang humakbang papasok sa malaking bahay. Nakausap na niya ang agency at ang nagkuha sa kaniya bilang caregiver nang nagdaang araw at ngayon siya pinapunta sa mansyon para i-discuss ang magiging trabaho niya at makilala ang aalagaan niya. Dama niya ang mabilis na t***k ng puso niya habang papasok siya sa magarbong bahay. Naalala niy