Episode 2

399 Words
Alexandra Chen Point of View:   TULAD nga ng sinabi ko ay wala na akong na gawa at sumunod na lamang kay Daddy.   Sa ngayon ay papasok kami sa isang mamahaling restaurant at agad naman kami sinalubong ng mga servants rito.   "Good Afternoon Mr. Chen, this way please." Bati ng isa sa mga servant doon kaya tinanguan lang ito ni Dad at sumunod kami sakanya.   Dinala niya kami sa pinaka gitnang bahagi ng restaurant. Batid kong napakarami ng mata na naka-masid saamin.   "Ang gaganda nung nga dalagang kasama nila." dinig ko na papuri ng isa sa mga lalaki roon sa kabilang mesa ngunit hindi ko na lamang ito pinansin.    Wala ako sa mood para sa ganyang papuri ngayon, masyadong sira ang araw ko para matuwa sa mga walang kabuluhang bagay.   "Masyado yata napalaki ang mesa natin Dad." Natatawang tanong pa ni Mommy kay Daddy.   "May makakasama pa tayo ngayon pero puwede na naman tayong mangunang kumain." nakangiting sagot ni Dad.   Hindi ko na lamang sila pinansin at um-order na ako ng gusto ko, hindi naman nagtagal ay nag-umpisa na kaming kumain.   Sa kalagitnaan ng tanghalian namin ay nagulat na lamang ako nang isigaw ni Mommy ang pangalan ko.   "Alex!"    Sasagot na sana ako pero narealize kong hindi pala ako ang tinutukoy niya. Sinundan ko ang tingin nila ni Dad at doon ko namantaan ang isang matangkad, maputi, at singkit na lalaki.   "I'm sorry for waiting, katatapos lamang po kasi ng ginagawa ko kaya ngayon lang po ako." Magalang na paumanhin niya kay Dad. Minuwestra naman ni Dad na umupo sa harapan ko, kaya iyon ang ginawa niya.   Doon ko lamang siya napagmasdan ng maigi at masasabi kong napaka gwapo niya.   "Alex din ang pangalan mo?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Humarap naman ito sa 'kin at walang emosyon na tumango.   Napataas ang kilay ko sakanya dahil sa inasta niya sa 'kin pero hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.   Mayroon silang pinag-uusapan tungkol sa negosyo ngunit hindi ko sila maintindihan, pero nagpatuloy pa rin ako sa pakikinig sakanila.   "Nabanggit na ba sa iyo ng iyong ama ang kasunduan namin?" seryosong tanong ni Daddy samantalang kami naman nina Ate at Mommy ay tahimik pa rin na kumakain.   "Yes Chairman, at handa ko po itong gawin." Pormal na tugon naman ni Alex sakanya.   "Mabuti kung ganoon, ako na lamang pala ang hindi nakakapagsabi sa anak ko." Napa-angat ang paningin ko nang marinig ko si Dad.    'Anak?'   Tumikhim si Dad kaya napatingin kami lahat sakanya.   "Alex anak, meet your future husband. Alexis Ferrer."   "What?!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD