Episode 3

422 Words
Alexandra Chen Point of View:   "Alex anak, meet your future husband. Alexis Ferrer."   "Alex anak, meet your future husband. Alexis Ferrer."   "Alex anak, meet your future husband. Alexis Ferrer."   "Alex anak, meet your future husband. Alexis Ferrer."   Hindi na ma-alis sa isip ko ang sinabi ni Dad, ano na ang gagawin ko? Ayawan ko man ang gusto ni Daddy ay nasisigurado kong magagalit ito ng matindi sa 'kin.   KASALUKUYAN kong naglalakad papasok ng school nang may kung sina ang dumamba sa likod ko at inakbayan pa ako.   "Hi Babe! Hihihi." Masayang bati sa akin ni Kris. Best friend ko ito, and don't get us wrong–babae yan.   Inis ko naman na tinanggal ang kamay niya sa balikat ko at bahagya pa itong pinagpag.   "Tch. Ang pangit mo na nga, kung maka-sigaw ka ay akala mo naka-lunok ng microphone." Singhal ko naman sakanya. Umakto naman siyang nagtatampo kaya humarap ako sakanya at ngumiti ng kaunti. "Tch. Joke lang."   "Tsk. Oo na! Ikaw na ang maganda. Sus, aanhin ang ganda kung suplada naman. Huwag ka nga magtaray d'yan dahil first day of school ngayon." Inis na singhal naman niya sa 'kin. Hindi ko na siya pinansin at naglakad na ako sa room namin.   Tahimik akong umupo sa likuran ay isinubsob roon ang mukha ko at matutulog, naramdaman kong umupo na sa tabi ko si Kris.   "Balita ko babe ay may bagong Professor daw tayo ah. At ang sabi ay 'gwapo' raw!" Animo'y kinikilig pang kwento niya sa 'kin kahit alam niyang wala akong pakielam.   Mas lalo ako walang pakielam ngayon dahil alam kong hindi na ako pupuwedeng magka-gusto sa iba dahil doon sa nakakasakal na kasunduan ng mga Ferrer at Chen. Tsk.   ILANG sandali lang ay lalong nag-ingay ang paligid ko dahil sa pagpasok ng professor namin.   "Good Morning Class." Bati nang pamilyar na boses.   "Kyyaahh! Ang gwapo!"   "Sir I love you po!"   "Waaahh! Sisipagan ko na ang pag-aaral ko!" At walang tigil na sigawan pa ang lalong nagpa-init ng ulo ko.   'Bwisit! Hindi ako makatulog sa sobrang ingay!'   "Punyeta kayo! Magsitahimik kayo at hindi ako makatulog!" Sigaw ko pero nagulat ako nang makita ko kung sino ang professor namin.   'Siya?'   Nakatingin ito derekta sa mga mata ko kaya napaiwas ako ng tingin.   "Go to the faculty later after class, I need to talk to you with that behavior." Malumanay na sabi niya pero mababakas mong galit siya sa inasta ko. Napayuko nalamang ako at nilaro ang mga daliri ko.   "Punyeta pala ha, hahaha." bungisngis na bulong ni Kris sa 'kin kaya naman hinarap ko siya at sinamaan ng tingin, na siyang kinanguso niya.   "Let me formally introduce myself, I'm Alexis Ferrer. I'll be you lecturer in Business Psychology."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD