DAHLIA POV :
"Hello, D? Papasok ka na today? As in?"
Napapikit ako dahil sa lakas ng boses ni Thana, ang hyper na naman niya.
"Wow! Ang bilis mong sumagap ng balita, T, ha? Yes, tinanggap ko na rin iyong alok nila Dad. Wala rin naman ako ginagawa, e." Wika ko rito at humarap sa vanity mirror ko.
Naka-skirt ako na hanggang tuhod, white long sleeve and may nakapatong na black coat dito.
Naglalagay ako ng eyeliner habang kausap si Thana.
"Of course! Akala ko ayaw mong ma-involve sa business niyong iyan? Kaya si kuya Doms ang nag-aasikaso."
Ayaw ko naman talaga pero kapag hindi ko nilibang ang sarili ko, maiinis lang ako palagi kay Thunder!
Hindi na niya talaga akong nilubayan. Kung nasa'n ako naroon din siya. Para ko na siyang anino, to the point na napagkakamalan na akong girlfriend niya.
Eww.
"Yah! Hindi ko naman talaga tatanggapin niyong alok ni Mom kung 'di dahil sa Thunder na iyon! Habang tumatagal na hindi ko siya mapatalsik, lalo siyang nagsusumiksik sa p'westo niya, bilang bodyguard ko." Asik ko rito.
"I gotta go na, T, ha? Kailangan kong maging maaga sa office, e. Ako kasi ang pinapamahala ni Dad sa mga naiwan ni kuya ngayon."
About sa paperworks na hindi natapos ni Kuya Doms.
"Oh? Where's kuya Doms?"
"May meeting abroad si Kuya. Kahapon lang umalis. And, guess what? Natauhan na rin si Kuya Doms kay Yassi. Hiwalay na sila, T!" Balita ko rito.
"Really? Finally! Ilang beses na siyang niloloko nu'n, e. Hindi deserve ni kuya Doms ang gano'ng babae."
Tumango ako rito kahit alam kong hindi niya ako nakikita.
"So, gotta go now! Punta ka na lang sa office mamaya! Bye!" Sabay baba ko sa aking phone.
Nang makitang maayos na ako at ready na akong pumasok, lumabas na ako ng room.
Hindi na siguro ako magbe-breakfast, sa office na lang. Mala-late na rin kasi ako. Kabago-bago ko lang 'tas late agad ako sa first day ko sa office.
I have my own business. Actually, kami ni Thana ang nagmamahala. It's a beauty products like lipstick, liptint, eyebrow soap, cheeks and tint blush. In short, kolorete ng mga babae.
Pagkababa ko sa sala, nadatnan ko agad si Thunder na naka-upo sa sofa at nakatitig ito sa direksyon ko.
Early bird talaga siya. Umuuwi pa ba siya?
Diretso akong lumabas ng bahay at nakita ko siyang sumunod sa akin.
"Pupunta tayo ngayon sa company. Siguro naman alam mo kung sa'n ang office ng business nila Dad? Sobrang loyal mo kay Daddy." Sarcastic kong wika sa kanya pero tumango lang ito sa akin kaya lalo akong nainis.
"Ms. Dahlia, hindi po ba muna kayo kakain ng breakfast niyo?" He asked.
Hindi ko siya pinansin at sumakay na ako sa kotse. Pabayaan mo siya.
"Magpapadeliver na lang ako. Come on, Thunder, mala-late na ako!" Sigaw ko sa kanya.
Ang bagal kumilos ng isang ito.
Nang makarating sa company, sinalubong ako ng secretary ni kuya, iginaya niya ako sa office room ni Kuya Doms. Substitute lang naman ako ni kuya bilang CEO ng company namin.
Pagnakauwi na siya, ilalagay ako nila Dad bilang supervisor ng finance department. That's my field after all.
Bitbit ni Thunder ang shoulder bag ko. Bagay sa kanya.
Napapakunot ang aking noo ng makitang nakatingin ang mga empleyado kay Thunder. Iyong iba kinikilig pa.
What the?
Sumakay kami sa isang elevator, nasa 7th floor kasi ang office ni kuya Doms. Tahimik ang pag-akyat namin.
Nagugutom na ako.
Nang makarating sa 7th floor, gano'n din ang eksena. May iilang empleyado ang nakatingin kay Thunder habang nasa likod ko siya.
"Ms. Dahlia, this is the office of Mr. Dominic." I nodded at binuksan niya ang pinto para sa akin.
Black and white ang theme ng office niya. Masyadong madilim. Compare sa office ko sa business namin ni Thana. It's pink and white. Pastel color. Malamig sa mata.
Tinungo ko ang malaking bintana sa office niya. Kita ang buong siyudad dito. Hinawi ko ang kurtina para pumasok man lang ang liwanag sa loob.
Vampire siguro iyong kuya ko? Gusto lagi ang madilim. Takot sa liwanag.
Umupo ako sa desk niya at nakita ang naiwan niyang paperworks. Ang dami, bakit hindi man lang niya kinalahati?
Gano'n ba kahalaga ang meeting niya sa abroad kaya sa akin niya iniwan ito?
"Ms. Dahlia, kung may ipag-uutos po kayo nasa labas lang ako. Binilin po kayo sa akin ni Mr. Dominic. By the way, I'm Trisha." Tumango ako rito.
"Ilang years ka na kay Kuya?" I asked habang binubuksan ko ang laptop na nandito.
"Mag-a-apat na taon na po, Ms. . ."
Wow! Ang tagal na niyang secretary ni kuya Doms.
Tumango ako rito, "mukhang bata ka pa. Ilan taon ka na?" Usisa ko rito.
"Twenty-six na po, Ms."
Nabigla ako sa sinabi niya, "really? Akala ko mas matanda ako sa'yo or magkasing-edad lang tayong dalawa."
Ngumiti ito sa akin, "salamat po sa papuri. . . Lalabas na po ako, pindutin niyo lang po ito kung may kailangan po kayo." Ani nito sa akin at tinuro ang intercom.
"Sige, salamat." Sabi ko rito at lumabas na siya sa office.
Umupo na ako sa shivel chair ni kuya. Inikot ko ito at doon ko lang ulit napansin si Thunder.
"Umupo ka nga, para ka d'yang estatwa. Akin na iyang bag ko," lumapit ito sa akin at nilapag ito sa desk ko.
Lalabas na sana siya ng sitahin ko ito, "saan ka pupunta?" I asked habang tinitignan ang mga naiwang gawain sa akin.
"Bibili ako ng pagkain niyo, Ms. Hindi pa kayo kumakain ng breakfast." Umiling ako rito at tinuro ang sofa sa tapat ko.
Baka paglumabas siya, pagpiyestahan siya ng mga empleyado roon.
Pinindot ko ang intercom, "Trisha, can you buy me a food? I didn't have breakfast yet. I want a rice for my breakfast." Ani ko rito.
"Okay, Ms. What else pa po?"
"Sa mcdo ka bumili ha? And, buy also mccafe vanilla flavor. Make it three if you want." Dagdag ko rito.
"Okay, Ms. Dahlia." At, binaba na niya.
Nakita kong nakatingin siya sa akin pero hindi ko siya pinansin.
Bakit ka ba nagseselos, Dahlia? Pabayaan mo sila kung tumitingin sila kay Thunder. Wala naman akong pake sa kanya.
Wala.