Chapter 45: Pantasya UMAWANG ang labi ni Maureen nang marinig ang tanong na iyon ni Thouyer. Nakatitig ang namumungay na mga mata nito sa kanyang kulay tsokolate na mga mata. Ni hindi nito nakuhang ngumiti o ipikit man lang ang talukap ng mga mata. “Sagutin mo ako Maureen, may mga lumalabas bang alaala o pangyayari sa iyong isipan?” pag-uulit na tanong ni Thouyer nang hindi siya nagsalita. Pakiramdam niya ay hindi na kailangan pang sagutin ang lalaki dahil para sa kanya ay wala namang kwenta ang mga bagay na lumalabas sa kanyang isipan. Dumadagdag ang iyon sa kanyang sobrang daming isipin. “Just answer me yes or no, Maureen. Kailangan ko lang malaman.” “Bakit?” Sa wakas ay tanong niya. Nakuha niyang huminga ng komportable kahit pa’y nakaharap ang gwapong mukha ni Thouyer sa kanya.