2

3735 Words
C H A P T E R 2 Drear is looking at the woman who is sitting opposite to his seat. He’s quite bored while hearing these new aspiring trainees’ sample presentations. Wala naman doon ang atensyon niya kung hindi nasa babaeng kaharap niya, bata at maganda. Ito ang tipo ng babaeng mukhang handang kumapit sa blade ng kutsilyo para lang makapasa sa OJT. Yes, he’s personally conducting the on the job training of those college students who wanted to grab the opportunity to be trained inside his multibillion company, of course not to count his secret filthy business, trading women for a big amount of money. Nasa front row malamang ang magandang kumpanya niya na humahawak ng mga hindi mabilang na artista at ang kanyang hindi mabilang na sinehan, recording studios, at ang pagiging producer niya at pagmamay-ari ng pinakasikat na production company na kahit Hollywood ay bumibida. Inip na bumuga siya ng hangin. Inaantok na siya at kailangan niyang magising. “Everybody out except for this lady in front of me. Break na muna tapos after ten minutes, we’ll resume.” Maawtoridad na utos niya sa mga estudyante na nagpangiti sa babaeng kaharap niya. Kanina pa rin naman kasi tingin nang tingin sa kanya kaya maanong magkasubukan na nga rin lang kung hanggang saan ang kayang ikapit basta makuha lang ang pwesto bilang isa sa mga OJT. Nang makalabas ang mga tao ay kaagad niyang sinalubong ng titig ang babae. “Drop your cellphone on the table.” Utos niya rito na kaagad naman na kinalkal ang bag at saka inilabas ang isang itim na 1plus 5 na gadget. Nice. Hindi nahuhili sa updated version ng cellphone. Kahit paano ay latest model pa rin naman. “Virgin or not?” He seems so upfront but he doesn’t care. He’s interested with the girl and no one can stop him. Tumunganga ang babae sa kanya pero ngumisi siya. “Come on, a virgin woman wouldn’t look at me like how the way you did. Don’t give me bulshit. Answer me quickly so we can start the test. Are you even aware that the President of this company is as dirty as a manwhore?” “Not a virgin anymore.” Sagot nito at nakatitig sa mukha niya. He stood up. “Follow me.” Aniya sa babae na kaagad naman na sumunod sa kanya at iniwan ang gamit. Binuksan niya ang secret room na nasa kabilang side ng presentation room. Napanganga ang babae nang makita ang isang kama. “You have three seconds to decide if you will back out or not. Pumayag ka, ibibigay ko sa’yo ang kailangan mong pwesto bilang trainee sa kumpanya ko. I am physically attracted to you and we’ll have a bargain. If you’ll let me taste you, you’ll have what you want.” Saglit niyang nilingon ang babae na nakatitig sa pang-upo niya habang kumukuha siya ng condom sa cabinet niya. “May CCTV ba Mister Villaraigosa?” “None, you can check the whole place. I am not a stupid idiot who will try to watch myself banging a woman from behind or while making her scream.” Well, that’s a lie because the truth is, hindi lang basta CCTV ang meron, may mamahaling camera na nakatutok sa kabuuan ng kwarto at kapag wala na ang mga babae, makikita na niya kung paano niya pinasigaw ang mga iyon gamit ang kanyang p*********i at ang kanyang bibig. “Timer starts now… one…” “Yes!”  Agarang sagot ng babae. “Kahit na walang OJT.” Ngumisi iyon kaya napaangat ang mga kilay niya. The woman drew closer to him and clung her arms over his nape. “You’re so handsome and it’s a pleasure to get intimate with you.” Dinampian siya nito ng halik sa labi pero hindi ganoon ang isinukli niya. He kissed her victoriously and immediately slid his hands on her buttocks, squeezing each butt cheek handfully. Now that’s what Drear calls, presentation and not those stupid lousy reporting in front of his dickhead; but before he can even haul the woman’s skirt, there’s a buzz at his door. Damn! Uminit ang ulo niya. Walang ibang nakakaalam sa secret room niya na konektado rin sa mismong opisina niya kung hindi ang kanyang ama. Now he’s hearing a buzz and it means only one thing, nasa labas ang ama niya at may kailangan sa kanya. Masama ang tabas ng mukha na naglakad siya papunta sa pintuan. Ngiti ang sumalubong sa kanya galing sa kaisa-isa niyang ama na hindi niya magawang kausapin nang matagal kahit na mahal naman niya. “The students are waiting outside the presentation room’s door, son. What hidden agenda do you have inside your secret room at this minute of the day?” Sumilip ang ulo ng matanda sa pinto at saka ngumisi. “Oh, sorry to interrupt but I guess you gotta open up the door and just bring the woman somewhere else later.” Drear pursed his lips. “I’ll be out in a minute. What do you want Dad?” “Hindi ako uuwi ngayong gabi. May babae akong kikitain sa isang strip tease club natin.” “Does Fiona know?” Umarko ang mga kilay niya sa ama pero ipinaypay lang nito ang mga kamay. “She will not mind. Bigyan mo ‘yon ng pera tatahimik na ‘yon.” Lalo siyang nagtaka. Bakit ganito na ang tono ng ama niya sa babaeng minamahal nito nang sobra noon? And to his surprise, his father never said anything like that before. Tahimik ito tungkol sa buhay may asawa. “What do you exactly mean?”  Usisa pa niya. Nagkibit balikat ang matanda. “Simple lang. Pera ang gusto niya na pang-shopping, tapos.” Umiling pa ito na tila ba may naaalala tapos maya-maya ay tinapik ang balikat niya. “I gotta go, son. Magwi-withdraw pa ako ng pera. I need to pay this woman two hundred thousand pesos. Ikaw na ang bahala. I love you son.” Niyakap siya nito at tumango lang naman siya. “Take care, Dad.” “Oh I will. Iinom pa ako ng pampatayo.” Humalakhak iyon habang papaalis kaya napangiti na lang siya. Hobby na yata ng ama niya ang mangulekta ng babae. He wonders if his Dad can still perform well. Baka naman himas na lang ang kayang gawin ng ama niya at kaligayahan na lang siguro na may makita na mga magagandang babae at nahihipuan. And who’s the lucky woman tonight who will hand two hundred thousand pesos in exchange for kneading and fingering? He doesn’t know. Malamang na baguhang birhen dahil alam niya na ganoon ang presyuhan sa club kapag walang experience ang babae. Mura pa nga iyon. Baka naman nauto ni Lucifera. And poor woman, too. Wala ng makakatakas sa mundong iyon. Kung noon nakakapagpalaya sila ng babae, ngayon ay hindi na. Diretso na sa bentahan ang mga hindi na inosente. At sa laki ng offer na kung minsan dolyar pa, hindi na tumatanggi ang mga iyon. Earning money is easy and it’s the game of life. Hindi naman nila pinipilit ang mga iyon na magtrabaho sa kanila dahil kusa na lang na lumalapit at kumakapit sa patalim dahil sa kakapusan sa pera. The world is like a big ecosystem for him. Maswerte pa nga ang mga dukha na kahit paano ay may nakukuhang pera sa lupit ng mundo na umiiral ay kwarta at yaman. Nagkataon lang na sila ang may-ari ng mga strip tease clubs pero wala maman silang dapat na ikakunsensya. Nawala na ang konsentrasyon niya sa iniisip na pagpapalipas oras sa babaeng estudyante. Siguro nga iuuwi na lang niya sa condo  niya na hindi na mabilang kung ilang babae ang napunta roon. “Get out. I’ll see you later.” Tila balewalang utos niya sa babae na parang masama pa ang loob pero hindi niya pinansin. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang pinagkakatiwalaang tauhan. Kailangan niyang pasundan ang ama niya. Parati niya iyong ginagawa dahil nga matanda na ang lalaki. ♥♥♥♥   Sunod-sunod na ang hilab ng tiyan ng nanay mo. Nasaan ka na ba Niña? Hinahanap ka at hindi na ito tumitigil sa pagpalahaw ng iyak. Sasapakin ko na ang nanay mo kapag hindi ako nakapagpigil ha. Bilis na, umuwi ka na.   -tyang bb   Napangiti si Catharine sa kabila ng pagtulo ng luha niya matapos na basahin ang text message.   Opo tyang, basta isige niyo na si Nanay at tanungin niyo na rin kung magkano ang aabutin ng pagpapagamot. Ako na ang bahala, may pera na ako. Uuwi na ako bukas.   Iyon ang reply niya saka siya tumingin sa salamin. Nagtagumpay siya at ngayon ay nakikita niya ang sarili na naka-bra at panty lang. Gandang-ganda sa kanya si Lucifera na natagpuan niya kahapon sa bahay ‘di kalayuan sa Clark Airbase kung saan naroon din ang isang executive strip tease club na nang pumasok siya kahapon ay hilera ng mga babaeng naka-panty lang ang mga suot. Ang babata ng mga iyon at ang gaganda. Nasa ibaba ng stage ang mga lalaki na karamihan ay may lahi at berde ang mga mata. Tinanggap kaagad siya ni Lucifera at may tinawagan iyon sa cellphone. Kinuhaan siya ng litrato at kinontrata niya na dalawang daang libo ang gusto niyang kabayaran. Mga isang oras ang lumipas ay nakatanggap siya ng balita na may nakabili na sa kanya at payag na sa dalawandaang libo na bayad sa isang gabi lang. Isang katok sa pintuan ang nagpapahid sa kanya ng luha niya bago siya lumingon. “Akin na ang cellphone. Iiwan mo sa akin ‘yan.” Anang bakla sa kanya. “Sumunod ka sa akin at may iuutos daw sa iyo si Mama L.” Tumango siya at ibinalot ang sarili sa isang roba. Sumunod siya sa bakla at papalabas sila ng club. Doon sila napunta sa may gilid ng bahay ng Mama L. at may isang itim na kotse roon na nakaparada. “Bakit Mama L?”  Tanong niya sa babaeng naninigarilyo habang nagbibilang ng pera. Sa ibabaw ng hood ng sasakyan ay may bag na itim, leather iyon sa tingin niya at mukhang puno ng laman. “Dalahin mo ito sa room 606 at may kakatok doon na tao, anak ng makakasama mo. Ibibigay mo ito roon at huwag na huwag mong bubuksan ha. Sa matanda ito at sa’yo inihahabilin dahil may pagka-ulyanin na.” Mahigpit na bilin ng babae. Ulyanin? “Eh ‘di ba nakakahiya? Alam ng anak ang gagawin ng ama niya sa akin?” Sagot naman niya. “Hindi. Wala maman iyong pakialam. Basta ibigay mo ito ha.” Tumango siya at tinaggap ang bag. “Sige na. Isalang mo na ‘yan at nariyan na si Señor Abelardo.” Señor Abelardo? Matanda nga? Matanda na ang bumili sa kanya at ulyanin pa? Diyos ko. Yakap ang bag ay naglakad sila ulit ng bakla pabalik sa club. Puno pa rin ng kaba ang dibdib niya pero ito na ang pinakahihintay niya. Bukas ay may pambayad na sila sa ospital at maipapagamot na niya ang ina at baka may panggatas pa ang baby bunso niya. Hindi na niya iniinda ang kahihiyan, basta ang mahalaga ay mailigtas niya ang mga mahal niya. Saka na lang niya pagsisisihan kapag nakunsens’ya na siya. Kinuha ng bakla ang bag at ang cellphone niya nang makapasok sila sa dressing room. “Bukas mo na makukuha ang cellphone mo. May password naman yata ito.” Anito sa kanya habang hinuhubad ang roba niya. “Meron.” Napalunok na siya hanggang sa hawakan siya nito sa siko at hinila siya sa may maliit na pintuan papalabas ng stage. “Nag-iisa sa unahan sa harap ng stage ang lalaking magbabayad sa iyo.” Bulong ng bakla sa kanya kaya tumango ulit siya. Ang hindi niya napaghandaan ay nang itulak siya nito papalabas sa stage at tumambad sa mga mata niya ang tila mapupulang ilaw at mga lalaking ang lalaki ng ngisi habang nakatingin sa mga babaeng halos hubad sa entablado. Tumulo ang luha niya pero pasimple niyang pinahid. Tinumbok kaagad ng mga mata niya ang sinasabing lalaki na nakabili sa kanya at nasa pinakaunahan nga iyon at nakangiti sa kanya. “The star of the night, sold for two hundred thousand pesos, Miss C!” Umere ang boses ng bakla sa lahat ng speakers at natutok sa kanya ang spotlight kaya nagpalakpakan ang mga lalaki. Gusto ni Catharine na panawan ng ulirat pero anong karapatan niya? Iyon ang pinili niya kaya dapat na tanggapin niya nang bukal sa kalooban. Tumingin ulit siya sa mukha ng matandang lalaki na puting-puti ang buhok at maganda ang kulay ng balat. Parang hindi naman pagnanasa ang nasa mata ng matanda kung hindi awa kaya mas lalo siyang nahabag sa sarili. Humawak iyon sa dibdib at parang lumunok ng laway pero agad din na ibinalik sa kanya ang atensyon. Parang lolo na niya ang matanda kung tutuusin. Pero walang lolo, lolo sa taong gustong umiskor. Baka guni-guni lang niya ang nakikitang awa sa mga mata ng matanda. Narinig niya na ito ang may-ari ng club at sana lang ay ambunan naman lang siya ng kaunting kabaitan sana kahit na ba binili na siya nito. Sana naman ay huwag siyang hambalusin ng latigo katulad sa mga napapanood niyang pelikula sa TV habang pinagsasawaaan ang mga biniling babae ng mga mayayaman na mahilig na tumikim ng mga iba’t ibang laman ng babae.   ♥♥♥♥     Ilang na ilang si Catharine nang pumasok sila sa isang limousine kasama ang matandang lalaki na gwapong-gwapo pala sa malapitan kahit ang tanda-tanda na. Hindi yata ito tipikal na taong may edad na amoy matandang kabayo, mabango ito at mukhang mabait. Sumiksik siya sa pinakagilid ng sasakyan at itinabingi ang mukha para itago. “Don’t be afraid. I am harmless.” Anang matanda sa tabi niya nang makaupo. Naramdaman niyang umuusad na ang sasakyan kaya pumikit siya. “Anong pangalan mo ulit, anak?” Anak? Di kawasa ay napatingin siya sa nakangiting matanda na hawak ang dibdib. “Niña po.” Sagot naman niya habang patagong inaaral ang mukha ng lalaki. Iyon ang ibinibigay niyang pangalan sa mga bagong kakilala kasi ang sabi ng nanay niya ay Niño raw iyon sa lalaki. Ibig sabihin ay parang may magic daw ang pangalan na babait sa kanya ang tao dahil kapangalan niya si Jesus. Pero sa ginagawa niyang pagbebenta ng sarili niya, matutuwa pa kaya ang Pudra Jesus niya sa kanya? Naniniwala siya sa sabi ng nanay niya kahit na matanda na siya. Baon niya iyon simula pa noong paslit pa siya kapag pumapasok siya sa eskwela at may nagtatanong sa kanya ng pangalan ay buong pagmamalaki niyang sinasabi. “Pretty name.” Ngumiti lalo ang matanda. “Tell me, bakit mo ito pinasok? You’re very young. Nag-aaral ka ba?” “Nag-aaral p-po, patigil-tigil. Manganganak ang nanay ko at kailangan ko siyang ipagamot pagkatapos. Wala kaming yaman. Wala po kaming titulo ng lupa na pwedeng isanla. Ang meron lang kami ay kaluluwa na pwedeng isanla.” Seryosong sabi niya at naluluha pa ang mga mata dahil sa awa sa sarili. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong klase ng pagkahabag sa sarili dahil ni minsan ay hindi niya nagawang pagsawaan ang buhay mahirap niya kahit na madalas na nasa evacuation sila kapag may bagyo o baha. Sapat na sa kanya ang buhay na ganoon at naging inspirasyon niya para magtagumpay sa buhay at unti-unti ay maiahon sa hirap ang ina niya kapag naging flight stewardess na siya. Pero ngayon na binubuksan niya sa ibang tao ang kwento ng buhay niyang dalawang kahig walang tuka, napapaiyak siya Tumawa ang matanda pero mukhang hilaw iyon. “That’s  bad. Hindi naisasanla ang kaluluwa. Kay Satanas lang ‘yon isinasanla. You know, I also have a Niño, my unico Niño. Bihira ko na siyang makasama dahil busy siya. Pakiramdam ko lahat ng responsibilidad ko ay nasa balikat na niya at gamay na gamay na niya ang pagresolba sa mga problema kahit na nakapikit. And I feel na nakasanla na kay Satanas ang kaluluwa niya.” Napalunok siya nang makita niya ang lungkot sa mga mata ng matanda. Nakasanla kay Satanas? Sanggano yata ang unico niño ng Señor Abelardo. “I can’t blame him. He’s a victim of bullying, harassment, was battered and almost died because I used to keep him and forbade him to run. I taught him how to mature at a very young age but never taught how to fight. Walang martial arts training, no shooting. Ayaw ko kasi na masusugatan siya pero nang mabawi niya ang buhay sa kamuntik na kamatayan, he became so ruthless and powerful and taught himself how to fight, now a martial arts expert and shooter.” Tumingin ito sa kanya. “He’s so dark. And we barely talk. He doesn’t speak. He had thought I killed his mother when I took off my very first wife’s life support.” Dark? Paano niya bibigyang ng deskripsyon ang isang lalaking dark? Maitim? Pangit? Peligroso? Bakulaw? Mamaw? Pero mukhang mabait ang matanda. Paanong Dark ang anak? “Bakit niyo po sinasabi ito?” Takang tanong ni Catharine. “It’s because of what you’ve said. Hindi isinasanla ang kaluluwa. Mas mabuting ibenta ang puri kaysa sa maging isang masamang tao sa mundo. Ang babaeng katulad mo, dangal lang ang nawawala, pero mas mabuti ka pa rin kaysa sa mga taong pumapatay para lamang sa pera. You sold what you have rather than thieve for what you aimed to have. It’s quite different, sweetheart if you will analyze it well.” Ipinatong nito ang palad sa hita niya na nakalitaw sa suot niyang pink na tube dress. Napaitlag siya at mas lalong napausog, pero nakatatak sa isip niya ang sinabi ng kausap na kung susumahin nga niya ay tama naman. Kahit paano ay nabawasan pa rin ang bigat ng konsensyang dala-dala niya. Napatingin siya sa bag na hawak-hawak niya na sinulyapan ng matanda. “What is that?” tanong nito na ikinanganga niya. Ulyanin na nga yata. Pera raw na pinag-withdraw tapos ngayon ay hindi na alam kung ano. Totoo palang hindi na pwedeng pagkatiwalaan ng gamit ang matanda dahil makakalimutin na. “Wala po. Pinabitbit lang sa akin.” Sagot naman niya. Tumango ang matanda at saka ngumiti. “Ilang taon ka na, Niña?” “Twenty po.” “Oh god, my son is a decade older than you. Huwag kang matakot sa akin. Hindi kita aanuhin. Isasama lang kita sa hotel at kakain tayo. I always do this and choose the best woman they used to send me. Pinipili ko ang mga batang babae na mukhang anghel sa ganda at malungkot ang mga mata. Binibigyan sila ng sapat na halaga ng pera para sa pagsimula ng bagong buhay.” Natigalgal siya sa kinauupuan at napamaang sa lalaki. “I do this more often. My son always thinks that I am womanizing but I am actually not. Matanda na ako, paano ako makakapasok sa pwerta ng babae lalo na kung birhen pa? No offense. Kahit na ang asawa kong si Fiona nga ay hindi ko na napakikialaman at siguro nasa limang taon na. Kaya lang ito na ang kaligayahan ko. There’s a saying, the counted deeds of a person that are listed in heaven are the ones which you do without any glint of showmanship. Itinatago ko ito para mapunta ako sa langit. Walang nakakaalam kung hindi ang mga batang babae na tinulungan kong maisalba ang naghihingalo nilang puri.” Napahikbi siya at tuluyang umiyak. Ang laking pasasalamat niya na isinalba pa rin siya ng Diyos sa kung anong dapat na kauuwian niya. Hindi yata talaga siya nito pakikialaman. “Paano po ako magpapasalamat?” napatingin siya sa matanda. “Help my son heal that is if you won’t get afraid. Marami ang sumubok, para maibalik ang utang na loob sa akin pero walang nagtagumpay. Please correct him and try to bring him back to the right path. Kahit subukan mo lang iha. Ipapasok kita sa buhay niya pagkatapos ng gabing ito. Isang linggo o ilang araw. Kapag hindi mo siya nagustuhan, wala sa aking problema. Gusto ko lang na magkaroon siya ng kaibigan na mabuting tao. Preach him and be his good example.” “Paano niyo po alam na mabuti ako? Hindi niyo ako kilala?” Ngumisi ang matanda. “Doing this for your mother who’s in the hospital for her menopausal baby? Nakatira sa may gilid ng tulay at isang estudyante sa mumurahing University sa kursong Tourism? Nagtitinda sa palengke at tinutulungan ang nanay niya? Ano pang ebidensya ang dapat iha para sabihin kong mabuti kang babae at iyon ang bukambibig ng mga taga palengke?” Lalo siyang natilihan. Ipina-background checks na siya ng matanda? Sinabi pa naman niya sa Mama L niya na huwag ipaaalam sa tiyahin niya kasi baka tuklapin noon ang singit niya sa kurot. “Isa lang sana. Kung papayag ka katulad ng mga naunang babae, let’s trade, darling. Please bring back the light to my son’s heart and help him forget and forgive, or at least forgive me for that reason which corrupted his mind that I killed his mother, and change his belief that life is a battlefield, na ang mabait ay laging talo.” May tao bang ganoon ang pilosopiya sa buhay? Kumurap si Catharine at nang makita niya ang lungkot sa mga mata ng matandang mayaman ay tumango siya. “Kapalit po ng tulong niyo sa nanay at kapatid ko, papayag po ako. Pero kapag hindi ko po natagalan, aalis po ako ha.” “No worries, Niña.” Ngumiti iyon. Lumapit siya at tuluyang yumakap sa matanda. Umiyak siya sa pasasalamat. Hindi niya akalain na sa mundo na akala niya ay wala ng kaginhawaan, may tao pa palang katulad ng matandang ito na tutulong sa mga dukha at hindi basta-basta nanghuhusga ng kapwa.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD