Kabanata-15: Jenny's birthday

1854 Words

Jenny' Pov Isang masigabong na pagbati ang nagpagising sa nanaginip kong diwa kinabukasan. "Happy birthday!" wika ng mga boses. Papikit-pikit ako ng mga mata dahil sa antok. Kinusot-kusot ko pa ito upang maaninag sila. Ang mga pamilya ko pala na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin. "Thank you–" napahikab pa ako na ikinatawa nila. "Mukhang napuyat ka yata, ate?" nangingiting sabi ni Enton. "Bakit, anak? Ano bang pinagpuyatan mo?" segunda naman ni Inay Martha na ngayon ay nasa tabi ko na at inaayos ang magulo kong buhok. Niyakap ko si Inay at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. "Wala po." ani ko na tinatago ang mukha sa dibdib niya. Mahirap magsinungaling kapag si Itay ang kaharap ko. Tahimik lang ito sa isang tabi pero alam kong may kahulugan ang bawat tingin nito sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD