Kabanata-24: Hinagpis

1771 Words

Nagising ako na masakit ang buong katawan. Halos hindi ko rin ito maigalaw. Nang tingnan ko ang paligid kung nasaan ako ngayon ay isang nurse ang nakita ko. Alam ko na kung nasaan ako. Sa Hospital. "N-Nurse," tawag ko sa babaeng nurse na kasalukuyang nakatalikod sa akin. Humarap siya sa akin at tiningnan niya ako. "Bakit ako narito?" tanong ko rito. Malungkot siyang tumingin sa akin, lumapit rin siya sa kinaroroonan ko. "Nahulog ka sa hagdan. Dalawang araw ka nang tulog." "Dalawang araw?!" gulat kong ulit sa sinabi niya. Tumango siya at malungkot pa rin akong tinignan. "Naaawa ako sayo, at sa sinapit ng pamilya mo. Nakikiramay ako." sabi niya na siyang ikinakunot ng noo ko. Gusto ko pa sana siyang tanongin pero lumabas na ito ng silid. Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ng nurse.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD