Kabanata-4: Meet again

1484 Words
Jenny's Pov Katulad noong unang araw sa eskwela ay maaga akong gumising—ay hindi pala dahil medyo na-late nga pala ako no'n. Bumangon ako at pumunta sa kusina upang magluto ng almusal. Wala sina Inay at Itay, siguro maagang namitas ng mga strawberries sa Farm ng amo nila. Araw kasi ngayon ng tagpitas. Si Mr. Greyson rin ang amo nila Inay at Itay, ang taong mabait na nagbigay ng scholarship sa akin. Pagkarating ko sa maliit naming kusina ay naroon na si Enton at nagkakape. Tatlong taon ang ikinatanda ko sa kan'ya. Kasalukuyang nasa ika-tatlong baitang pa lang siya sa highschool. Pero kung umasta kala mo naman ay pulis na. Iyon kasi ang pangarap niya. Ang maging isang pulis kaya naman masipag rin siyang mag-aral gaya ko. "Good morning, Ate." bati niya sa akin. "Good morning too, brother!" ani ko at hinalikan siya sa noo. Maliban sa kapatid ko si Enton ay kaibigan ko rin siya. Dalawa lang naman kaming magkapatid kaya naman gano'n kami ka-close na dalawa. "Anong lulutuin mo, 'te?" tanong niya nang makitang nag-uumpisa akong balatan ang sibuyas. "Magsa-sangag ako, brother. Masarap 'to iparesan ng toyo at itlog!" masayang sabi ko. "Kaso walang toyo, Ate. Kinain ng pusa kanina. Hindi kasi sinabit ni Inay ang basket, eh." napapakamot sa ulo na wika niya. Nagkibit-balikat naman ako sa sinabi niya. Hindi naman problema iyon. Malamang nagutom siguro ang pusa kaya naghanap ng makakain. Kawawa naman kasi 'diba? "Problema ba iyon? Edi, bumili ka kay Lorna," utos ko. Napakamot naman ito sa ulo niya bago tumayo at kumuha ng barya sa lata na dating lagayan ng gatas. "Sige, Ate." anito. Wala pang ilang minuto ay nakabalik naman kaagad si Enton. Katabing bahay lang naman namin si Lorna kasi. Saktong pagdating niya ay tapos na akong magsangag at magluto ng itlog kaya naman sinunod ko na ang toyo. At nang matapos ay agad kaming nag-almusal. Hindi na rin namin hinintay sina Inay at Itay dahil mamayang hapon pa iyon sila uuwi. Matapos kong mag-ayos ay sabay na kami ni Enton umalis ng bahay. Medyo malapit lang ang paaralan na papasukan niya habang iyong sa akin naman ay may kalayuan. Pagdating ko sa GUC ay agad kong nakita ang kaklase kong si Joy sa labas ng campus. Katulad no'ng una ko siyang makilala ay wala na naman itong kangiti-ngiti. "Magandang umaga, Joy!" bati ko sa kan'ya. "Walang maganda sa umaga kung maaga kang binuwesit ng babaeng iyan," sabay turo niya sa babae na napapalibutan ng mga kalalakihan sa kabilang banda. Napatingin naman ako roon at hindi ko maiwasang mapangiwi nang makita ko ang ayos niya. Kinulang sa tela ang damit at konting galaw lang nito ay tiyak na makikita na ang singit nito. Pero hindi maipagkakaila na magandang babae at sexy si Scarlett. Kaya naman maraming kalalakihan ang nakapalibot rito. "Paano ka naman niya binuwesit?" tanong ko kay Joy. Umismid siya bago nagsalita. "Muntikan na akong madapa nang iharang niya iyang mga binti niya sa daraanan ko! Kung hindi lang talaga ako nag-iisip kinalbo ko na iyan!" gigil nitong sabi. Napabuntonghininga naman ako. Nagpatuloy kami sa paglakad. "Huwag mo na lang siyang pansinin. Wala tayong mapapala sa kanila," payo ko rito. Hindi naman ito umimik hanggang sa makarating kami sa aming silid. "Good morning, Sir." sabay naming bati kay Mr. Sandoval. "Good morning." ani nito na nasa akin nakatingin. Nahihiya naman akong tumango sa kan'ya. Naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Nang makaupo kami ni Joy ay nag-umpisa na ang klase. At nasa kalagitnaan kami ng pagtutukoy nang biglang may pumasok na lalaki sa aming silid. Sumenyas ito kay Sir na para bang normal lang para dito na ginagawa iyon. Pagkatapos no'n ay dire-diretso itong pumasok. Nakatalikod ito sa amin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Narinig ko pa ang pagbulongan ng mga kaklase ko. Na tila ba isang artista itong lalaki na pumasok. Sa tingin ko naman ay kaklase namin siya at na-late lang. Bumalik ako sa ginagawa ko nang biglang magsalita si Mr. Sandoval. Kaya muli akong napa-angat ng tingin. At gano'n na lamang ang pagsingkit ng mga mata ko nang makilala ko kung sinong lalaki ang nasa harapan namin ngayon. "Class, I want you to meet Mr. Lyzander Greyson, son of Mr. Sandro Greyson." Ang mukhang kambing na 'to anak ni Mr. Greyson? Paano nangyaring nagkaroon ng mukhang asungot na anak ang mabait na ginoo na iyon? Napailing-iling ako. Sa dinami-rami ng tao sa mundo bakit ang anak pa ng amo ng mga magulang ko ang nakabangga ko nakaraang araw? Hindi na tuloy maalis ang pagka-buwesit ko sa lalaking ito. At wala akong pakialam kung anak man siya ng presidente, basta bastos itong hinayupak na ito! "Miss Delavin, are you okay?" agad akong napa-angat ng tingin nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Nakita ko silang nakatingin lahat sa akin—ay hindi pala. Sa papel ko pala sila nakatingin. Sa papel na walang kalaban-laban na pinagsasaksak ko na pala ng ballpen! Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang tinatago ko ang papel na gutay-gutay na sa aking bag. Saka lang ako sumagot kay Mr. Sandoval. "O-okay lang po, Sir." ani ko. Nakita ko pa ang pag-ngisi ng lalaking iyon sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Sus, wala akong pake kung sino siya. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. At tumigil ang mga mata ko sa gitnang bahagi ng katawan niya. Nangunot ang noo nito at napatingin rin doon. At madilim ang mukha niyang muling tumingin sa akin. Ako naman ngayon ang ngumisi. Huwag siyang magkakamaling babastuhin ako ulit dahil kapag nangyari iyon, tuluyan nang mababasag ang itlog niya! Matapos magpakilala ng lalaking iyon ay lumabas na ito ng silid namin. Mabuti naman kung gano'n dahil natahimik na ang mga malalandi kong kaklase. Wala na kasing ibang ginawa ang mga iyon kundi ang magpa-cute sa nilalang na iyon. "Class dismissed." anang guro namin. Nagsitayuan kaagad ang lahat at nagsi-unahang lumabas ng room. Naiwan naman kami ni Joy na inaayos pa lang ang mga gamit. Tanghalian na no'n kaya naman sabay na kaming pumunta ni Joy sa canteen. Pero sumabay sa amin si Mr. Sandoval na ikinagulat pa namin ni Joy. Mabait naman si Sir pero hindi pala-kuwento. Kaya medyo nakakailang lang na kasama siya. Pagdating namin sa canteen ay tahimik lang itong naupo sa tabi rin naming upuan. Kinuha ko ang baon sa bag, at dahil may baon akong kanin, ulam na lang ang binili ko. "Gusto mo, Sir?" alok ko kay Sir ng ulam na nabili ko. Kaldereta iyon. Ngumiti ito sa akin at umiling. "No, thanks." Tumango naman ako. Tahimik kaming kumakain na tatlo habang sa kabilang mesa naman ay maiingay. Puro kababaihan ang naroon at nagdadaldal. Walang pakialam kung may guro sa paligid o wala. Napailing na lang ako. Nang matapos kami sa panananghalian ay naunang umalis si Sir. Habang nagpaalam naman ako kay Joy na magbabanyo. Pagdating ko sa cubicle ay laking gulat ko nang may biglang nanghila sa akin. Dinala ako nito sa male's cubicle at isinandal sa pader. Mulagat ang mga mata ko nang makilala kung sino ang salarin. "Ikaw?!" singhal ko sa pagmumukha niya. Wala akong pakialam kung natalsikan man siya ng laway ko. Well, deserve naman niya iyon. "Shhh. Huwag kang maingay," sabay takip niya ng palad niya sa bibig ko. Nandidiri akong kinagat ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. "f**k! Aray!" mura nito at daing. Masamang tingin ang ipinukol nito sa akin. "Anong kailangan mo sa akin huh?! Bakit mo ako dinala rito? Anong balak mong gawin sa akin huh?!" sunod-sunod kong tanong sa kan'ya. Mukhang narindi ang tenga nito sa kakaputak ko kaya napatakip ito sa tenga niya. "Will you please shut up? Ang ingay mo naman—" "At bakit hindi ako mag-iingay? Karapatan ko iyon dahil bigla mo na lang akong hinila rito na baliw ka!" Akmang itutulak ko siya, nang malakas niya akong ipininid sa dingding gamit ang dalawang braso niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pagsilay ng ngisi sa labi niya. Nagpupumiglas ako ngunit sadyang malakas 'tong mukhang ewan na ito! "I want you to pay what you did to me last time." anito. "Anong pay-pay ang sinasabi mo d'yan huh?! Wala akong utang sayo!" matapang kong sabi sa kan'ya. Kung iniisip niyang natatakot ako sa kan'ya puwes nagkakamali siya! Dahil hindi pa pinapanganak ang kambing na susungay sa akin! Akmang tutuhurin ko na naman siya nang mabilis niyang sanggain ang binti ko at ipitin iyon gamit ng mahaba niyang binti. "A-aray! Naiipit ang binti ko!" reklamo ko na ikinangisi naman niya. "Not again woman." Pagkasabi no'n ay sinalubong niya ng marahas na halik ang mga labi ko. Nagulat ako sa ginawa niya at hindi kaagad ako nakahuma. Natuod ako at hindi magawang lumaban sa kan'ya. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko sa pisngi. Ang gagong ito ninakaw ang first kiss ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD