Kabanata-3: Pissed off

1209 Words
Lyzander's Pov "What happen to you, son? Bakit sambakol iyang mukha mo at may paika-ika ka pang nalalaman d'yan? Nawala ka lang kanina e, nagkaganyan ka na pagbalik mo." Napa-ismid ako sa tinuran ni Dad. Kung alam niya lang ang ginawa sa'kin ng babaeng iyon ay maintindihan niya kung bakit ganito ang pagmumukha ko ngayon! "I'm pissed, Dad." "Halata naman, son. Kahit 'di mo na sabihin." saad ni Dad. Lalo akong umismid. Paano kasi ang sakit ng bayag ko at namaga pa! Pinatingnan ko kasi kanina sa kaibigan kong doctor na si Julio kasi nga namimilipit ako sa sakit. Ikaw ba naman ang tadyakan sa parteng iyon. "Teka, saan ka ba nagsusuot kanina son? Bakit hindi ka sumunod sa'kin?" pagkasabi ni Dad ng gano'n ay makahulugan niya akong tiningnan. "Huwag mong sabihin na–" "Dad, alam mo naman ako. Hindi ako puwedeng tumanggi sa grasya." nakangisi kong turan ngunit masamang tingin ang ipinukol ni Dad sa akin. "Don't play the girls, Lyzander. Alalahanin mo na meron kang kapatid na babae." muli ay binigyan ako ng masamang tingin ni Dad. Alam ko naman iyon e. Hindi naman ako nakikipag-relasyon. At lalong hindi ako iyong tipo ng tao na nagseseryuso pagdating sa pakikipag-relasyon. I'm just a fucker and there's no string attached. Hindi ko naman sila gagalawin kung hindi nila ako binibigyan ng permisyo. And speaking of my kapatid na babae. Of course ayaw kong lolokohin siya ng isang lalaki. Iba na ang usapan pagdating sa prinsesa kong kapatid. I have respect for a woman, of course. May nanay ako at kapatid, and kapamilya na mga babae. At malaki ang respeto ko sa kanila. Katulad nga ng sabi ko, I'm just a human being at lalaki ako. I have needs, at hindi ko kailangan mamilit ng babae para lang sa s*x. Sila mismo ang lumalapit sa akin. "Don't worry Dad. That's not my thing." ani ko. "Good. By the way, aalis na ako. At ikaw na munang bahala sa negosyo natin dito sa Pinas. At don't forget to visit GUC, okay? Kung may nangangailangan ng tuloy don't hesitate to help." Ang GUC na tinutukoy ng ama ko ay ang Greyson University College. "Yes, Dad. Take care." Aalis kasi si Daddy patungong U.S for his medication. Magaling na siya sa sakit sa puso ngunit kinakailangan lang niya ng monthly check-up doon. At isa pa, naroon rin sina Mom with my sister Suzette. Kaya ako na lang ang mag-isang maiiwan rito sa bansa. "Okay son, bye." Hinatid ko si Dad hanggang sa makasakay ito sa kotse niya. Nang papalayo na ang sasakyan niya at nawawala na sa paningin ko ay pumasok na ako sa loob ng mansyon na paika-ika. Nagtataka ang mga kasambahay ko sa ikinikilos ko kaya naman inismiran ko sila. "Anong meron? Bakit kayo gan'yan kung tumingin sa'kin?" suplado kong sita sa kanila. Tumawa si Ate Vivian. Siya ang Mayordoma ko. "Anak, sa pagkakaalam ko ay na tuli ka na noong dyes anyos ka e. Ano, nagpatuli ka ulit?" Gusto kong magwala ng sandaling iyon. Mukha ba akong tinuli? Buwesit naman oh! Tiningnan ko ang sarili, nakabukaka ako habang naglalakad kaya siguro ako napagkamalan na nagpatuli! Kasalanan ito lahat ng babaeng iyon! Napagkamalan pa ako ng wala sa ayos! You will pay for it woman! "Hindi ako nagpatuli o tinuli ulit! Kainis namang buhay 'to oh!" inis kong wika sabay nagdadabog patungo sa elevator na paakyat sa room ko. "Heto naman hindi na mabiro. Sandali naman anak–" Ngunit mabilis na akong pumasok sa elevator at hindi na muling pinansin si Vivian. Pagkapasok ko sa loob ng aking silid ay agad akong naghubad ng saplot. I look at myself in front of a huge mirror lalo na sa bahagi ng katawan ko kung saan ay masakit. Sinipat ko iyon at napangiwi ako. Parang nangamatis na iyon. Napahugot ako ng malalim na buntonghininga. Kinuha ko ang gamot na nakapatong sa bedside table at agad iyong ininom. "Humanda ka sa akin babae. Tiyak na magkikita pa tayo at sisiguraduhin kong pagbabayaran mo itong ginawa mo sa akin." Pagkausap ko sa sariling repleksyon sa salamin. Nahiga akong hubo't hubad sa kama habang ang isang braso ko ay naka-unan sa likod ng ulo ko. Nasa gano'ng posisyon ako nang biglang pumasok sa isipan ko ang balintataw ng babaeng iyon. Her beautiful face even she's angry. Her smooth skin that is not tan nor white complexion, and her sexy curves. Her long and black color hair, thick eyebrows and lashes. Suddenly I felt heat throbbing to my chest down to my belly. And I realized that my buddy down there was alive! "s**t! Go away woman!" Ngunit nanatiling naroon ang imahe ng babae sa isipan ko. Inis na bumangon ako at tinungo ang banyo. Pinaandar ang tubig at nag-shower ako. It helps me lessen those heat. Nang magsawa sa ilalim ng malamig na tubig ay lumabas ako. At katulad kanina ay muli akong nahiga na walang ni anumang saplot sa katawan. At sa pagkakataong iyon ay nakaidlip ako ng hindi ko namamalayan. Jenny's pov Inis kong ibinato ang bag ko sa aking higaan nang makapasok ako sa kuwarto ko. Letseng lalaki na iyon sinira ang araw ko! "Arghhh!" "Hoy, ate, anyare sayo?" Napabaling ako sa pintoan nang marinig ang boses ni Edmon. Agad kong inayos ang sarili at umaktong walang nangyayari. "Wala. Okay lang ako. Si nanay?" ani ko. "Sa palengke kasama si Itay," May binigay itong tasa sa akin na agad ko namang kinuha. Sopas pala ang laman no'n. Napangiti ako. "Sinungaling. Kainin mo na 'yan habang mainit-init pa." saad nito at tinaasan pa ako ng kilay. Alam kong hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Itong kapatid ko pa naman na hindi pa man ganap na pulis pero magaling ng manghuli. Alam na agad kung nagsisinungaling ako o hindi. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala." Pagsisinungaling ko pa. Nginisian lamang niya ako at tinalikuran. Napabuntonghininga ako. Iniumang ko ang tasa sa bibig ko at hinigop ang sabaw ng sopas. Sopas ang paborito ko at mabubuhay ako araw-araw kung meron nito. Muntikan ko pang maibuga ang kinakain ko nang pumasok sa isipan ko ang imahe ng lalaking mukhang bangus na iyon. Agad rumagasa ang inis sa puso ko. "Bastos na, wala pang modo!" Sa tingin ko ay isa rin siyang estudyante sa GUC. At tiyak na magtatagpo muli ang landas namin. "Kumusta na kaya ang bayag niya? Buo pa rin ba o na c***k na?" Natawa ako sa sinabi ko. At hindi lang basta natawa kundi humalakhak pa ako! "Ang bilis mong mag-iba ng anyo. Kanina lang e, galit ka. Ngayon naman tumatawa kang mag-isa. Sabihin mo nga sa'kin, ate, nagdo-droga ka ba?" Muntikan ko nang maibato ang hawak na tasa kay Enton sa sinabi niya. "Hoy! Hindi a! Matino ako!" "Ano ka lang, ate? Nababaliw?" "Mas lalong hindi kaya tigilan mo ako kaka-feeling pulis mo riyan! Doon ka na nga, tsoo!" Pagtataboy ko sa kan'ya. Iiling-iling naman siyang lumabas ng silid ko. Tinungo ko ang siradura at ni-lock iyon. Mahirap na baka sina Itay at Inay pa mismo ang makakita sa akin na tumatawa akong mag-isa at mabato ako ng wala sa oras. "Kasalanan ito ng mukhang bangus na iyon e!" malakas ang boses na wika ko bago ipinagpatuloy ang naudlot na pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD