"YVETTE!" Tumakbo si Lani palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Gumanti naman siya ng yakap. "Waahhh! I really miss you, Yvette." Sabi nito. "I miss you too, Lani." Then pinakawalan siya nito. "Nasaan ang triplets?" "We're here, Tita Lani." "Yieee ... triplets!" Agad siyang lumuhod at niyakap ni Lani ang mga anak niya. Napangiti na lang siya. "So I guess this is RV ..." turo ni Lani kay RK. "Wrong, Lani. Si RV 'yan." Sabi niya. "Ano ba 'yan? Bakit hindi ko malaman kung sino ang sino sa kanila? Buti ka pa." Sabi nito. Ngumiti siya. "Ako kayang nag-ire sa mga 'yan kaya kilala ko." "Tita, are you going to stay with us?" Tanong ni RV. "Oh yes, my baby. Next month pa dadating ang Tito Dylan niyo kaya makakasama niyo ako ng ilang linggo." Sabi ni Lani. "Yey!" Hiyaw ng tatlo