NASAPO ni Yvette ang nuo pagkatapos marinig ang sinabi ni Russell. Tumingin siya sa triplets at nagsibabaan ang mga ito ng tingin. Sunod niyang tinignan si Russell. "Let's go home. Sa bahay na lang natin 'to pag-usapan." Seryoso niyang saad. "Are you mad, Mommy?" Tanong ni RV sa mahinang boses. "I'm sorry ..." She sighed. "I'm not mad." Nauna na siyang lumabas ng opisina niya. "Yvette—" "Sa bahay na lang tayo mag-usap, Russell." Putol niya sa sasabihin nito. Russell sighed. "Okay." Wala silang imikan habang nasa byahe sila pauwi. The triplets are very quite. Si Russell naman ay panay ang sulyap sa kanya. Nang makarating sila sa mansion ay agad niyang kinausap ang mga anak. "RV, hindi ba sinabi ko na sa inyo na huwag kayong makikipag-away." Aniya. Nagkatinginan ang mga ito. "That